Saturday , November 16 2024

Lovelife ni Robredo ibinisto ni Duterte (Sa anibersaryo ng Yolanda)

BISTADO na ng publiko na aktibo ang love life ni Vice President Leni Robredo nang ipahiwatig kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na may nobyo siyang mambabatas.

Sa kanyang talumpati sa ikatlong anibersayo nang paghagupit ng Yolanda sa mass grave sa Tacloban City, sinabi ng Pangulo, desmayado siya sa kapabayaan ng gobyerno sa mga biktima ng Yolanda partikular sa pabahay.

Bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) chief ay inatasan ni Pangulong Duterte si Robredo na tapusin ang mga proyektong pabahay para sa mga biktima ng Yolanda.

Tiniyak ng Pangulo na babalik siya sa susunod na buwan sa Eastern Visayas upang tingnan kung nagawa ni Robredo ang kanyang trabaho sabay biro sa love life ng bise-presidente.

Tinudyo ng Pangulo ang pagiging biyuda ni Robredo habang ‘annulled’ naman siya sa kanyang kasal sa unang asawa.

Nang umiling si Robredo ay patuksong tinanong siya ng Pangulo kung totoong may nobyo na siya sabay pahiwatig na kongresista ito.

“Kung alam ko lang ‘di pa tapos, three years from now ‘di pa tapos sabagay punta rin ako kasi nandito si vice pres. Saan siya pumunta pasunod-sunod ako. Biyuda kasi. Basta masuportahan ok lang. Ma’am balita ko may… sabi don’t be offended pero sabi nila ‘di ba totoo kung ‘di totoo ‘yan magpatay ako congressman,” anang Pangulo sa tumatawang si Robredo.

Matagal nang napapabalita na kasintahan umano ni Robredo ang isang Quezon City congressman na nagkaroon ng mahalagang papel sa kanyang vice presidential bid at madalas umanong nagagawi sa Boracay Mansion na official residence ng bise-presidente.

( ROSE NOVENARIO )

DIGONG NADESMAYA
SA YOLANDA
REHAB SA TACLOBAN

DESMAYADO si Pangulong Rodrigo Duterte sa nakitang resulta ng rehabilitasyon sa Tacloban City tatlong taon makaraan hagupitin ng supertyphoon Yolanda.

“It is this kind of service that I came here for. I’m really, I’m sorry I said, I do not want to offend anybody. I am not satisfied. Now three years, how many days—?” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa mass grave sa Tacloban City.

Inatasan niya si Presidential Assistant for the Visayas Mike Dino na pangunahan at madaliin ang paggawa ng mga pabahay para sa mga biktima ng Yolanda.

Maging ang mga opisyal ng Local Water Utilities Administration (LWUA), Department of Public Works and Highways (DPWH) at National Housing Authority (NHA) sa rehiyon ay binalaan ng Pangulo na sisibakin lahat kapag hindi natapos ang kanilang trabaho hanggang sa susunod na buwan.

“I’d like to ask the Presidential Assistant for the Visayas to, Mike, Mike Dino. I’ll put him in charge. Kaya nga Presidential Assistant siya Mike, maggawa ka ng bahay diyan, diyan ka tumira. You oversee the—I want this thing completed—I will be back. Babalik ako. Ano tayo ngayon? October, November. I’ll be back December,” aniya.

“Para rin… Alam mo Bay, sa totoo lang, bihira ako nagbabaril ng tao lalo na kung kaibigan. Pag hindi mo nagawa ‘yan—,” pabirong wika ni Duterte kay Dino.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *