IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga banat sa kanya ng media ang naging behikulo niya sa karera sa politika at naghatid ng tagumpay niya sa sampung halalan hanggang maging Presidente ng bansa.
“The more that you rub it on, the more I get popular,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony ng mga opisyal ng National Press Club (NPC).
Sinabi ng Pangulo, naranasan na niyang mapagbintangan sa ilang mga krimen ngunit lalo pa siyang naging popular dahil tamang mensahe ang dala niya kompara sa mga katunggali sa halalan, ang umiral ang law and order sa bansa.
“Once upon a time, I was there down and marami ako … pati ako napagbintangan pa. Pati iyong sinasabi nila nag-atake sa akin, it may be more popular. It guaranteed the 23 years of my mayorship. Alam mo ang nagkamali dito, politika tapos noon, hinihiritan nila ako sa law and order. Hiniritan nila ako sa kriminal na … iyan ang gusto ng tao. Kaya ako nanalo maski hindi ako kilala, because I was carrying the message: law and order. Oh kung hindi law and order, at least ang tao hungry for a peaceful community, it could be a barangay, it could be a city, basta community niya. ‘Pag nakauwi iyong anak nila, wala na silang takot, nakalalakad na sila. That is why the rating for me, mas mataas. They never learned their lesson,” paliwanag niya.
Walang balak ang Pangulo na humingi ng paumanhin sa brusko niyang gawi at pananalita dahil iyon ang totoong personalidad niya.
“In Davao for the ten elections, ang akin babae pati… extermination of—on both I said, totoo iyan. Hindi mo naman masabi, it’s really useless magsabi siya, “Ikaw tarantado ka.” Di sabihin ko, “Oo, tarantado ako.” “You are not a statesman, you are not like a presidential…” I never said I was a statesman. Ang pagkaalam ko tumakbo ako presidente, hindi ako tumakbo ng pagka-statesman. My language is rough, well… you know from where I came from. I’m always been that way. No apologies. No excuses,” sabi ng Pangulo.
( ROSE NOVENARIO )
MEDIA MAGING MAPAGBANTAY
UPANG makaiwas na madagdag sa datos ng media killings ay pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine media na manatiling mapagbantay laban sa pang-aabuso ng estado , ng mga sangay ng ehekutibo, hudikatura at lehislatura bilang fourth estate.
“Let me assure you that I decided to form a task force and look into—itong mga ganitong patayin iyong ano, malalim iyan. But most of it is actually the criticism that iyong gustong pumatay kaya niya nagawa, or you traverse to another territory, and that is the family. Remember that the freedom of the press is mostly geared against the establishment, the state and its abuses. And that is why the fourth state is there to fight the abuses of the first and second or third branches of government. You are the fourth,” ayon sa Pangulo sa kanyang talumpati sa oath-taking ceremony sa mga opisyal ng National Press Club (NPC) sa Palasyo kahapon.
Sinabi ng Pangulo, lubhang mapanganib ang gawain ng ilang taga-media na kulang sa kakayahan, pinabili lang ng tinapay ay naging announcer na at ginawang hanapbuhay ang pambababoy sa tao sa publiko.
“Pardon me for saying it really, but it is true – iyong kulang nga iyong dito tapos … iyon nga, sabi nga nila, inutusan lang magbili ng pan, pagbalik announcer na. Just because iyong iba malakas kasi mag … so there are the contenders of … kung mayroong ano iyan … kasi kung mahusay kang magbaboy ng tao, enjoy iyong mga … so you’ll get a lot of the market. But it could be dangerous. Hindi basta-basta mag-media,” dagdag niya.
“Lalo na if you talk about the existence of jueteng. Iyong iba sa amin noon, prosecutor pa ako, mabigyan tapos huminto, magdaldal uli, maghingi. So wala nang katapusan – that’s one,” sabi pa niya.
“Second, is you go overboard by attacking the wife, the child nga ano. It’s a no-no. Naghingi ka talaga ng kamatayan diyan, especially if you attack the children. Puwede pa maski iyong tao lang mismo, balik-baliktarin mo ng …babuyin mo. But never, never enter into the private domain of private lives. Talagang hihiritan ka diyan, lalo na anak, asawa ganoong, “ah iyong asawa niyan nangaliwa, iyong asawa niyan hostes iyan noon,” delikado ka diyan. Because, you know, people can take … we can swallow insults, lalo na kung totoo. But hindi nila kaya iyang babuyin mo iyong pamilya. One man’s sin cannot be the sin of the family,” aniya..
( ROSE NOVENARIO )