USAP-USAPAN at pahulaan ang 30 showbiz celebrities na sangkot umano sa illegal drugs na isinumite ni Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa tanggapan ni President Rodrigo Duterte.
Nakatutuwa naman na kusang nagpapa-drug test na ang mga artista bilang pakikiisa sa kampanya ng gobyerno na puksain ang mga nagugumon sa bawal na gamot.
May mga chism na nasa listahan umano ang isang sikat na aktres, isang young actor na galing sa hiwalayang relasyon, isang actor na produkto ng reality contest, at isang young actress na galing sa showbiz clan. Totoo kaya ito?
Nasampolan na ang showbiz dahil nakulong sa illegal drugs sina Mark Anthony Fernandez, Sabrina M., Krista Miller, at Karen Bordador.
TALBOG – Roldan Castro