Monday , December 23 2024

Mayor Espinosa kawalan sa drug war (4 beses binaril – Autopsy)

MALAKING kawalan sa drug war ng administrasyong Duterte ang pagkamatay ni Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa, ayon sa Palasyo.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, malaking palaisipan ang pagpaslang kay Espinosa sa loob ng kulungan dahil ang alkalde ay malaking tulong sa gobyerno sa pagtugis sa mga personalidad  lalo sa mga taong gobyerno na sangkot sa illegal drugs.

“Personally, ako I’m puzzled because alam natin na si Mayor Espinosa ay malaking tulong sa gobyerno sa paggalugad at sa paghanap ng mga involved sa illegal drugs. Kung baga, si Mayor Espinosa is an asset to the government’s investigation, investigation… may sangkot o sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga. Lalong-lalo na the upper echelons of the drug ring,” ani Andanar.

“Kaya ako I’m puzzled and at the same time, I am also sad that this happened kasi nga malaki sana ang maitutulong ni Mayor Espinosa sa imbestigasyon ng ating gobyerno para ma-pin down kung sino-sino ‘yung mga involved sa illegal drugs. Lalong-lalo na ‘yung mga taong gobyerno na umano’y may kinalaman sa paglago ng shabu sa bansa natin. Kaya para sa akin ay malaking kawalan po sa gobyerno na namatay si Mayor Espinosa,” paliwanag ni Andanar.

Tatalakayin ni Andanar kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga natanggap niyang suhestiyon sa paghawak ng gobyerno sa kaso ni Kerwin Espinosa na ipinoproseso na ang pagbabalik sa bansa makaraan mahuli sa United Arab Emirates (UAE).

“Actually, meron akong mga natanggap na mga suhestiyon on how to handle the case of Kerwin pero ito ay ipaparating ko sa Pangulo dahil very sensitive po ‘yung mga suhestiyon. At the same time, we know that the safety of Kerwin is also, will also be jeopardized if ever na, if ever na hindi po na-handle nang husto ‘yung kanyang security,” ayon sa kalihim.

Marami aniyang nalalaman si Kerwin sa operasyon ng illegal drugs, lalo na ang narco-politics.

“And we also know that si Kerwin, si Kerwin being the son of his father and having, I assume that he has information that is also vital for the government’s investigation sa drug ring dito sa bansa natin, lalong-lalo na ‘yung narco-politics,” dagdag ni Andanar.

Hihintayin ng Palasyo ang resulta ng imbestigasyon ng pulisya. Naging viral sa social media ang sinasabing pirmadong affidavit ni Mayor Espinosa na hawak ng mga awtoridad  at kasama sa mga ikinanta niya na sabit sa illegal drugs ay mga politiko, pulis, abogado gaya nina Sen. Leila De Lima, Gen. Dolina, Gen. Loot, Gen. Espina, Gov. Petilla at mga taga media na sina John Pilapil, Linao, Yudz at Lalaine Jimenia.

( ROSE NOVENARIO )

4 BESES BINARIL – AUTOPSY

APAT beses na binaril si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., na kanyang ikinamatay.

Ito ang resulta ng autopsy sa labi ni Espinosa na isinagawa ni Chief Insp. Benjamin Lara, medico legal ng SOCO Region 7.

Sinabi ng abogado ng pamilya Espinosa na si Lailani Villarino, tatlong bala ang nakuha mula sa katawan ng alkalde habang ang isa ay tumagos sa katawan ng biktima.

Ayon kay Villarino, lumabas sa autopsy na posibleng nakahiga si Mayor Espinosa nang siya ay binaril.

May tama sa ulo ang alkalde habang nawawala ang dalawang mamahaling singsing ni Espinosa.

Sinasabing lumaban sina Espinosa at kapwa inmate na si Raul Yap sa mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 8 nang magsilbi ng search warrant, kaya binaril sila ng mga pulis.

Nakatakdang iburol ang labi ni Mayor Espinosa sa bahay ng anak niyang si Kerwin Espinosa sa Tinago, Brgy. Benolho sa Albuera.

About Rose Novenario

Check Also

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *