PONDO mula sa isang Amerikanong bilyonaryo at pilantropo ang ginagasta para sa malawakang black propaganda para ipinta ang imahe ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kriminal sa buong mundo bunsod ng kanyang drug war.
Sa kanyang talumpati sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Regional Convention sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi, kinilala ni Pangulong Duterte si George Soros, ang American billionaire-philanthropist ang nagpondo sa mga non-government organizations (NGOs) sa bansa para batikusin siya sa local at international media dahil sa isyu ng extrajudicial killings.
Nabatid na ang Human Rights Watch ni Soros ay nakatanggap ng $100-M grant mula sa Amerikanong bilyonaryo noong 2010 at naghahanap ng mga target na personalidad para itambol ang kanilang human rights propaganda.
“You know extra-judicial killing, ngayon ang Amerikano nakisali, e maraming mga sosyal dito mga NGO na funded diyan sila. Itong Human Rights Watch ng New York, kay Soros iyan. Soros, iyong financier. Siya iyan, grant niya iyan. So dito, mayroon silang funding money magha-hanap talaga sila to justify. Ako ang nakuha nila, they pound… they pounding on me,” anang Pangulo.
Minaliit ng Pangulo ang mga pagsusumikap ng mga naturang grupo dahil sanay siyang mabanatan ng media.
”Okay lang iyon, editorial araw-araw, I can swallow that. I’ve been mayor, I’ve been eating newspapers as a part of my diet,” anang Pangulo.
Sa iniligwak ng Wikileaks na confidential cable na isinulat at ipina-dala ni US Ambassador to the Philippines Kristie Kenney sa Washington DC noong Mayo 8, 2009, inamin niya na sa kabila nang nakuhang atensiyon sa ibang bansa ng pata-yan sa Davao City bunsod ng ulat ng Human Rights Watch ay hindi galit ang mga residente ng siyudad.
Kinilala ni Kenney na ang kombinasyon ng mahigpit na control ni Duterte at pagbalewala ng publiko sa vigilante killings kaya hindi naging agresibo ang civil society groups sa pagpupursige sa usapin.
“With the police failing to make any progress on investigations, the CHR and civil society groups have become the primary advocates on the issue,” ani Kenney.
Ayon umano kay Kenney, ang pagiging epektibo o kabiguan ng Commission on Human Rights (CHR) na noo’y pinamumunuan ni Leila De Lima, ay depende sa kakaya-han nitong mangalap nang sapat na testigo para makapagsampa ng matibay na mga kaso.
Kailangan aniya ng suporta ng CHR ng pambansang pamahalaan, mula sa Department of Justice at Philippine National Police para maka-tagal sa inaasahang pag-atake sa kanila ni Duterte at umusad ang mga ihahaing kaso.
Dagdag ni Kenney, hihintayin ng US ang ila-labas na report ng CHR para mapag-aralan kung paano aayudahan ang civil society groups, CHR at iba pang institusyon upang makapagsulong nang kapani-paniwalang imbestigasyon sa Davao vigilante killings.
“Following the upcoming issuance of the CHR report, the Mission will carefully assess the most viable channels for targeted USG assistance to help civil society groups, the CHR, or other Philippine institutions pursue credible investigations of the Davao vigilante killings,” ani Kenney.
Matatandaan na isiniwalat ni Duterte kamakailan na ginamit siyang instrumento ni De Lima para sumikat mula nang maging CHR chairperson, DOJ secretary at ngayo’y senador pero walang naisampang kaso laban sa kanya kaugnay sa vigilante killings.
Noong Enero 15, 2016, nagpasya ang Ombudsman na walang ebidensiya para suportahan ang patayan na umano’y kagagawan ng Davao Death Squad na isinangkot si Duterte ay tsismis lang.
“There being no evidence to support the killings attributed or attributable to the DDS, much less the involvement of Mayor Rodrigo Duterte and the local police officials of Davao to (sic) said acts, this Office tends to agree with the Commission’s Regional Director Sipaco that ‘it would be unbecoming of the Commission if through chismis and other gossips, we would be relying on it as a fact already when there are no supporting justification (sic).”
Mula nang maluklok sa Palasyo ay ilang beses nang binatikos ni Duterte ang US sa panghihimasok sa human rights issue sa Filipinas pero ang sariling bakuran ay hindi kayang awatin ang paglabag sa karapatang pantao ng mga black American at marami aniyang inutang na dugo si Uncle Sam sa mga bansang Syria, Iraq, Libya, at Afghanistan at iba pang bansang sinakop nito.
( ROSE NOVENARIO )
UNREST SA 2017 PINONDOHAN NG BIYUDANG PINAY
ISANG milyonarya na nakapag-asawa ng Negro sa Amerika ang financier ng mga malawakang kilos-protesta para patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte na ilulunsad sa susunod na taon.
“Let us see kasi meron — next year a certain financier, mayaman na babae who married a black and is now a millionaire and she is planning to do massive demonstration,” ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Regional Convention sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi.
Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo ay umugong sa intelligence community ang pangalan ni Loida Nicolas Lewis, biyuda ni Richard Lewis ang pinakamayamang African-American businessman noong dekada ’80, at pangunahing nangampanya para kay Liberal Party standard bearer Mar Roxas noong nakaraang presidential elections.
“If you think that you can help, sabihin mo sa akin because I will appoint you a group of presidential advisers with a Cabinet position or without a portfolio but with the rank of a Cabinet. And I will follow your instruction to a tee,” mensahe ng Pangulo sa kanyang destabilizer.
Hinamon ng Pangulo ang mga bilib sa Amerika na lumahok sa ikinakasang demonstrasyon laban sa kanya at hinimok pa sila na huwag nang mang-engganyo ng militar para maglunsad ng kudeta dahil kusa niyang lilisanin ang puwesto.
“All those who are of this western persuasion. Kung bilib kayo sa America, kung tingin ninyo nagkautang kayo ng loob, please join. And hindi na kailangan magkudeta-kudeta. Ibigay ko siya. I myself will swear you sa Malacañang. That these are the new rulers of the Republic and they will run the country, fine. Wala man tayong problema,” anang Pangulo.
“Yung ayaw sa akin, madali ‘yan. And if the military or the police thinks that I do not…no need for coup d’etat. God, you are wasting your bullet. Go to Malacañan, we’ll have coffee and I myself will swear you to run this Republic and solve the problem. Walang problema,” sabi ng Pangulo.
Matatandaan na umani ng batikos sa iba’t ibang bansa , partikular sa US at European Union, ang paglaki ng bilang ng mga napapatay mula nang ilunsad ang drug war ng administrasyong Duterte.
Pero naninindigan ang Pangulo sa prinsipyong matira ang matibay at sa ilalim ng kanyang administrasyon ay dalawang bagay lang ang pagpipilian sa bansa kung ayaw sundin ang batas ay Biblia ang masusunod.
“Basta kami, survival of the fittest and because of my hard stand, if you do not want to follow the law, then follow the Bible,” giit niya.
Malinaw aniya ang batas na bawal ang pagbebenta ng illegal drugs kaya ang mga taong ayaw susuway ay kailangan harapin ang batas ng Biblia.
Si Lewis ay kapatid ni dating National Anti-Poverty Commission Chairperson Imelda Nicolas na sumali sa “Hyatt 10” o ang mga miyembro ng gabinete na kumalas kay noo’y Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2005 dahil sa “Hello Garci” scandal.
Humawak ng mga sensitibong posisyon sa administrasyong Aquino ang mayorya sa Hyatt 10 at si Imelda ay nagsilbing pinuno ng Commission on Filipinos Overseas.
( ROSE NOVENARIO )