Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lovi Poe, naalagaan ni Derek sa ‘upuan’ scene

NATURAL at tahimik ang acting na ipinakita ni Lovi Poe sa pelikulang  The Escort, pero magaling.

“Nanibago nga ako. This is the role na hindi mo siya puwedeng paglaruan. Kasi tahimik siya kaya naninibago ako.’Yung ibang roles na nakukuha ko especially sa movies..like sa ‘Temptation Island’, malandi siya, ‘yung mga ganoon,” reaksiyon ni Lovi pagkatapos ng premiere night ng The Escort na showing na sa kasalukuyan.

Aminado siyang nahirapan sa movie dahil limitado at hindi niya puwedeng paglaruan ang character niya.

Ang favorite scene ni Lovi with Derek Ramsay ay ‘yung nag-uusap sila over coffee and tea. May kilig factor talaga sa scene na ‘yun at cute.

Type naman niya sa eksena with Boyet De Leon ‘yung nagne-negotiate na sila at ‘yung part na binigyan siya ng tatlong options.

Actually, usap- usapan after mapanood ang pelikula sa premiere night kung anong option ang pipiliiin nila, option 1, option 2, or option 3 sa totoong buhay.

Ang option 2 ang kapwa pinili nina Lovi at Boyet.

“Kung ako si Yassi (karakter niya sa movie) tapos wala talaga akong choice, Option 2,” bulalas ni Lovi.

Si Derek walang mapili at magpapakamatay na lang daw siya. Hindi lang namin puwedeng i-reveal ang mga option na ‘yun dahil mapi-preempt ang pelikula sa regular showing nito.

Napansin din namin na naalagaan ni Derek si Lovi sa love scene nila kahit torrid ang kissing scenes nila at ‘inupuan’ niya ang aktor. Agree naman si Lovi at sinigurado raw nila na full of love  ang love scene nila hindi gaya kina Jean Garcia at Derek na tumitirik ang mata ni Jean at ‘elya’ factor lang.

Ang The Escort ay handog ng Regal Entertainment Inc. Ito ay sa direksiyon ni Enzo Williams.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …