Saturday , November 16 2024

Korean-American new US Ambassador to PH

IKINATUWA ng Palasyo ang pag-hirang ng Washington kay Sung Kim, isang Korean-American, bilang bagong US Ambassador to the Philippines kapalit ni Philip Goldberg.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagtalaga kay Kim ang hudyat nang pagnanais ng Amerika na higit maunawaan ang kultura ng Filipinas at Estados Unidos.

“It’s very significant po that they chose an Asian… I’m sure it’s some form of a signal na they want to be on a better cultural footing at pagkakaintindi na between Asian(s). That seems to be right now the most obvious, one of the major significant reasons why they chose a Korean also. So ang gusto po siguro nila mas maintindihan tayo, that we’re able to relate on better cultural terms,” aniya.

Giit ni Abella, ang Filipinas ang isa sa pinaka-exciting na lugar sa kasalukuyan.

Matatandaan, binatikos nang todo at tinawag na bakla ni Pangulong Rodrigo Duterte si Goldberg dahil aniya sa pakikialam sa internal na usapin ng bansa.

Unang nairita ang Pangulo kay Goldberg nang kondenahin ang komento niya sa rape-slay ng Australian missionary sa Davao City noong 1989.

Lalong uminit ang ulo ni Duterte kay Goldberg nang batikusin ang sinasabing paglobo ng kaso ng extrajudicial killings bunsod ng drug war ng kanyang administrasyon.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *