Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim, sobrang nasasaktan at iniiyakan ang pamba-bash ng ilang KimXi

NAAAWA kami kay Kim Chiu. Bina-bash kasi siya ng ilang mga tagahanga nila ni Xian Lim, ang KimXi.

Kung ano-anong masasakit  na mensahe ang ipinadadala ng mga ito sa kanya mula noong tanggapin ni Kim ang bagong serye ng Dreamscape Entertainment Television na Ikaw Lang Ang Iibigin, ang balik-tambalan nila ni Gerald Anderson.

Kung tinanggap ni Kim ang proyekto, ipinakita lang niya na isa siyang professional, na sa kabila ng pagkakaroon nila ng relasyon ni Gerald noon at naghiwalay, pumayag pa rin siyang makatrabaho ang binata. Na sabi nga ni Kim, trabaho lang at walang personalan.

Walang naging problema kay Xian sa muling pakikipagtambal ni Kim kay Gerald. Okey lang daw ‘yun sa kanya. Sana ay ganoondin sa mga fan nila. Maintindihan din nila si Kim.

Kung talagang mahal at idolo nila ang dalaga, hindi nila dapat ito bina-bash. Sila mismong mga tagahanga ni Kim ang nananakit dito. Hindi nila alam na sobrang nasasaktan na si Kim at iniiyakan nito ang pamba-bash sa kanya ng sarili niyang mga tagahanga.

Isa ring dahilan kung bakit tinanggap ni Kim ang serye ay dahil sa pagmamahal niya sa Dreamscape at pagtanaw ng utang na loob. Ang Dreamscape kasi ni Deo Endrinal ang unang nagbigay ng serye kay Kim, ang Tayong Dalawa na pinagbidahan din nila ni Gerald kasama si Jake Cuenca.

Ang Dreamscape rin ang unang nagbigay ng serye kay Kim na siya ang lead star, ang Binondo Girl na kapareha si Xian at dito na nabuo ang kanilang loveteam.

Ang ilan pa sa seryeng ginawa ni Kim sa Dreamscape ay ang Kung Tayo’y Magkakalayo, Ina, Kapatid, Anak, at Ikaw Lamang na dahil sa magandang role niya rito at husay ng acting ay itinanghal siyang Best Drama Actress sa Star Awards For TV noong taong 2014.

Kaya matatanggihan ba niya ang Dreamscape kung muli siyang bigyan  ng serye?

Marami rin kaming kilala at kaibigan sa KimXi, pero sila ay hindi bina-bash si Kim. Sana ‘yung ibang KimXi ay tigilan na si Kim. Gusto ba nilang nakikitang nasasaktan ang kanilang idolo? Alam naman namin na mahal ng KimXi si Kim, kaya naniniwala kami na ititigil na nila ang pamba-bash sa tsinitang aktres.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …