Monday , December 23 2024

Allen, nagpasugat at nagpahiwa para maramdaman ang karakter sa Area

ISANG true blooded Kapampangan ang multi-awarded actor na si Allen Dizon. Lumaki, nagbinata at nagka-pamilya siya sa Pampanga. Ang  Area na kilalang-kilala ay bahagi ng sekswal na buhay ng mga kabataang Kapampangan. Madalas dito dinadala ang mga binibinyagan na mga binatilyo upang maging ganap na lalaki. Noon ay tunay na malaki ang “sex trade” rito pero sa tagal ng panahon ay pawala na ito na bahagi ng kasaysayan ng Angeles.

“Kasinungalingan kung sasabihin ko na hindi ako tumikim ng babae sa Area noong bagets pa ako. Kapampangan ako, kami ng aking mga barkada ay dumarayo talaga roon noong araw. Hindi naman madalas pero parte iyon ng ‘adventure’ ng mga lalaki rito sa Angeles,” natatawang kuwento ni Allen.

Papel ng isang “kasador” or nagma-may ari ng kasa ang ginampanan ni Allen sa pelikulang Area. Dating pulis, isang biyudo na pinapayagang mag-bugaw ang kaisa-isang anak na lalaki at mapagkalingang anak ng kanyang inang sumasailalim sa dialysis.

“Hindi stereotype na may-ari ng casa ang karakter ko, iyon tipong nananakit at nagpapahirap sa mga babae. Although, ginagamit ko sila para mabuhay ang pamilya namin, makatao ang turing ko sa kanila, pinakakain ko sila at inaalagaan.

“Guilt ridden ang karakter ko sa kuwento dahil sa ikinabubuhay namin kaya nagpapanata ako tuwing Semana Santa. Very popular sa Pampanga ang penitensiya kapag Holy Week na siyang time frame ng pelikula. Nagpa-sugat at hiwa ako sa likod na kailangan talaga para maramdaman ko ang eksena,” pagmamalaki ni Allen.

During press conference, naitanong sa award-winning actor kung posible ba na ma-in love siya sa isang pokpok. Walang kagatol-gatol na sinagot ni Allen na puwede.

“Bakit naman hindi. Pagdating sa pag-ibig lahat ay pantay-pantay. Pare-pareho tayong tao na may kapasidad na magmahal. Wala ako sa posisyon para humusga. At saka ‘pag mahal mo kahit ano pa siya tatanggapin mo. Kaso pamilyado na akong tao at apat na ang mga anak ko, kung noon siguro baka puwede,” deklara pa ng morenong aktor.

Palabas na ang Area sa November 9 in selected theatres nationwide bukod kina Allen at Ai-Ai Delas Alas kasama rin sa pelikula sina Sue Prado, Sarah Brakinsiek, Ireen Cerventes, Tabs Sumulong, at Sancho Vito Delas Alas. Mula sa panulat ni Robby Tantingco sa direksiyon ni Louie Ignacio at handog ng BG Productions International.

Grade “A” ng Cinema Evaluation Board, Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival sa Kazahkstan at official selection sa “A” film festival na Tallinn Black Night Film Festival sa Estonia.

TALBOG – Roldan Castro

About Roldan Castro

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *