BUONG ningning na sinabi ni Maja Salvador na, ”I’m dating” sa Tonight With Boy Abunda.
Kung ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson ay laging kasama ngayon ni Bea Alonzo, lumalabas na rin si Maja kasama ang ibang lalaki. Pero nilinaw niya na hindi si John Lloyd Cruz ang tinutukoy niya.
Klinaro rin niya kung bakit nali-link sila ng Home Sweetie Home actor na si LLoydie.
“Nagstart kasi ‘yan noong nag-post ako sa pag-support ng ‘How To Be Yours’, ‘yung movie ni Gerald and Bea. And then after sinundan noong nag-Kapamilya Karavan sa Davao. Bago kami pumunta sa event, parang may two days off kami,”sambit niya na sinabi ring iisa ang handler nila.
“Itay” daw ang tawag niya kay Lloydie at ”Baby Girl” naman ang tawag sa kanya dahil sobrang close sila.
“So may pag-aalangan sa pagtanggap kasi nga, siyempre nga ‘pag kailangan ng intimate scenes, paano mo gagawin,” sambit pa niya.
Nag-post din si Maja ng picture nila para matigil na rin ang tawag sa kanila ng fans ng “Itay” at “Baby Girl.”
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro