Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Idolito, ire-revive ang mga kanta ni April Boy

SOBRA ang kaligayahan ni Idolito Dela Cruz na nanalong Best New Male Recording Artist sa 8th PMPC Star Awards For Music para sa album niyang Ngayong Nandito Ka Na. Isa na namang Kapampangan ang nagbigay ng karangalan sa kanilang bayan.

Si Idolito ang sinalinan ni April Boy Regino ng kanyang trono noong maging guest niya ito sa kanyang concert sa Music Museum.

“Balang araw ikaw na ang papalit sa akin,” deklara ni April Boy.

Si Idolito ay dating champion ng singing contest ni April Boy sa ‘Sang Linggo nAPO Sila, nagsumikap hanggang magkaroon ng sariling album.

Nagsilbing inspirasyon kay Idolito ang kanyang award kaya inihahanda na niya ngayon ang kanyang second album. Ire-revive niya ang hit song ni April Boy na Sana’y Laging Magkapiling at Ika’y Mahal Pa Rin,  Titibok Lang Ang Puso Sa ‘Yo, Mahal Ka Niya at You Don’t Have To Say You  Love Me When I’m Gone.

Pinasok na  rin ni Idolito ang pagprodyus ng  advocacy film gaya ng  Mga Batang Lansangan na idinirehe ni Mike Magat. Magkapatid sila sa Iglesia Ni Cristo  kaya nabuo nila ang nasabing indie film.

Introducing siya sa movie. Hindi lang pagkanta ang  ipinakikita niyang talent ngayon kundi pati pag-arte.

Bongga!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …