“W IT (means HINDI),” ang mabilis na sagot ni Angelica Panganiban sa napapabalitang nali-link siya sa first son na si Baste Duterte. Hindi rin daw niya alam kung saan nanggagaling ang tsikang ‘yun.
Natawa na lang daw siya dahil may nagtanong na rin sa Banana Sundae star sa isyung ‘yun.
Anyway, single pa rin ang press release ni Angel sa sarili niya. Free naman siyang makipagrelasyon kung sakali. Pero wala siyang matagpuan.
“Sabi nga ni Paulo (Avelino, kasama nila ni Dingdong Dantes sa pelikulang ‘The Umarried Wife’), kumain daw ako sa labas. Bakit naman ako kakain sa labas? Titingin ako ng lalaki?!” humahalakhak niyang pahayag.
Kadalasan sa trabaho niya nakikilala ang nakakarelasyon niya gaya nina John Lloyd Cruz, Derek Ramsay, at Carlo Aquino.
May hugot pa si Angelica na dapat ay makinig sa magulang, na magtira sa sarili ‘pag nagmahal.
“Mali yata, eh. Sa susunod, hindi ko na siya ulit susundin. Buong-buo na naman, ganoon,” deklara niya.
So mali ‘yung magulang?
“Ewan ko kung anong strategy ang ginamit ko mars. Lahat ibinigay ng todo, hindi masyado, mali rin. Ako na siguro ang may problema,” natatawa pang sambit ng aktres.
Sa November 16 ang showing nationwide ng The Unmarried Wife sa direksiyon ni Maryo J. de los Reyes.
( Roldan Castro )