NAKATSIKAHAN din namin si Christopher De Leon pagkatapos ng premiere night ng The Escort. Kinuha namin ang reaksiyon niya sa isyung pangangalanan na raw ang 30 taga-showbiz na nasa listahan sa illegal drugs.
Ani Boyet, susuportahan niya ang Pangulong Duterte kung iyon ang desisyon nito.
“Pero, first and foremost, hindi kami bayaran ng bayan. Ang unahin muna nila, ‘yung mga nagtatrabaho sa gobyerno, from the Senate to the Congress. Lahat ‘yan, kailangan pangalanan, hanggang sa gabinete, hanggang sa nagtatrabaho sa gobyerno, para malinis.
“Kasi, tayo nagbabayad ng taxes eh. Unahin muna sila, at saka tayo.If they want us to cooperate, why not? Kasi people look up to them as government officials. Unahin muna nila mga senador, congressman, lahat! Ilabas na nilang lahat kung sino, tapos at saka tayo.
“Walang problema sa atin ‘yun!” malaman niyang tugon.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro