HINDI pa rin convincing sa amin na hindi na puwedeng sabihang starlet si Nathalie Hart porke’t nagwagi siya ng Best Actress trophy sa International Film Festival Manhattan sa New York para sa pelikulang Siphayo.
May statement kasi siya na aktres na siya at hindi na raw puwedeng tawaging starlet.
Hello! Gaano ba ka-prestige at kalaking festival ang Manhattan? Pang-best actress na ba talaga ang acting niya? Hindi pa niya kami mapaniwala na mahusay siyang actress kahit nag-win na siya riyan, ‘no?!
Mananatili pa ring starlet si Nathalie sa paningin namin hangga’t hindi siya lumalaking artista sa ‘Pinas. Hangga’t hindi siya humahakot ng awards sa atin. Dapat ay kumita muna ang pelikula niyang Siphayo para magkaroon siya ng box office value.
Hindi pa siya graduate sa pagiging starlet pero may potensiyal naman siya na lumaking artista sa tamang panahon.
TALBOG – Roldan Castro