Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga babae, mas nag-uunahan kay Derek (Balik-Kapuso ‘pag natapos ang kontrata sa TV5?)

MAY mga humuhula na posibleng bumalik sa GMA 7 si Derek Ramsay ‘pag natapos ang kontrata niya sa TV5. Madalas kasi siyang napapanood na naggi-guest sa Eat Bulaga.

Aminado naman si Derek na nagsimula ang TV career niya sa Eat Bulaga kaya never siyang humihindi ‘pag naiimbitahan siya roon.

Sa ngayon, ayaw pang isipin ni Derek kung saang estasyon siya pupunta ‘pag natapos ang kontrata niya sa Kapatid Network. Ayaw niyang ma-offend o masaktan ang pamunuan ng TV5 at nag-iisip siya ng mga bagay na ganoon.

Ang focus niya ay kung paaano matutulungan ang TV5 para umangat at maging stable na estasyon . Kung paano ito makikipagsabayan sa mga kalabang estasyon.

Next year ay may sisimulan na niya ang teleserye sa TV5 na may kinalaman sa illegal drugs.

Basta ngayon, busy siya sa paggawa ng pelikula. Showing na  ang movie niyang The Escort with Lovi Poe, Christopher De Leon, at Jean Garcia.

Gagawin na rin niya ang pelikulang The Annulment under Regal Entertainment Inc. Mukhang makare-relate si Derek sa pelikulang ito dahil sa sitwasyon niya sa ina ng  kanyang anak, huh!

Mga babae, mas nag-uunahan kay Derek

NANANATILING Kapatid si Derek Ramsay dahil sa pinirmahang kontrata sa TV5. Hindi naman siya nalulungkot sa pag-lie low ng entertainment sa Singko o kung wala siyang show dahil pinapayagan naman siyang maglagare sa paggawa ng pelikula at mag-guest sa ibang estasyon ‘pag nagpo-promote.

May dalawang taon pa siyang kontrata na tatapusin. Balita niya ay may weekly serye na raw siyang gagawin dahil tinawagan na siya para i- discuss kung ano ito. May kinalaman daw ito sa mainit na isyu ngayon, ang drugs. Happy siya na may programa na silang ibibigay sa kanya.

Samantala, mas maraming indecent proposals na natanggap si Derek  sa mga babae kaysa bading. Ito ang inamin niya nang makatsikahan siya after ng premiere night ng pelikulang The Escort.

“Takot silang lumapit sa akin because they know my background. They know that I come from a well-off family,” sambit niya.

Pero tinatawanan lang daw niya ito dahil puro salita lang naman ito at  hindi naman nakaka-hurt.

“Ako, okay lang, eh. I just laughed at it, pero if they go over the line and they touch me, I’ll pro­bably use a little bit of force, ‘di ba?” deklara ng actor.

Nagugulat lang siya na maraming babae ngayon ang masyadong liberated at  willing makipag-one  night stand sa kanya na tinatalbugan pa ang mga bading dahil may offer ang mga girl na ibibigay daw kung ano ang gusto niya.

“There’s no specific amount given, parang ‘halika, gusto mo, ipag-shopping kita’. I always say, ‘no it’s okay,” kuwento pa niya.

Pak!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …