BAGAMAT iisa ang manager nina Lovi Poe at Nathalie Hart, patalbugan sila ng sexy movie na sabay ang showing.
Pareho na naming napanood ang kanilang pelikula, ang The Escort ng Regal Entertainment Inc. at Siphayo ng BG Productions International.
Gusto namin ang istorya, acting, direksiyon, ilaw ng pelikulang The Escort. Ito ang pinaka-daring na pelikula ni Lovi na makare-relate ang mga pokpok at mga bugalow. Dapat nga magpa-block screening sila, ‘no? Bwahaha.
Pinag-uusapan din ang tatlong options ni Boyet De Leon kay Lovi sa pelikula.
Bentahe naman ng Siphayo ang frontal nudity ni Nathalie at ang kakaibang twist ng ending ng movie na kasama niya sina Joem Bascon, Allan Paule, at Luis Alandy. Very Hollywood ang ending nito na hindi akma sa kultura at kaugalian ng Pinoy.
TALBOG – Roldan Castro