Friday , November 15 2024

FVR amboy

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi kursunada ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang mga birada niya laban sa Amerika kaya nagbitiw ang dating punong ehekutibo bilang special envoy sa China.

Sinabi ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa Davao City, pinayuhan siya ni Ramos na mas maganda na maging kaibigan nang lahat ngunit ang hindi niya gusto ay nang insultuhin siya ng US at nagbabala na puputulin ang ayuda sa Filipinas dahil sa paglobo ng kaso ng extrajudicial killings bunsod ng kanyang drug war.

Nagtapos aniya si Ramos sa West Point o US Military Academy kaya may simpatiya talaga kay Uncle Sam ‘di tulad niya na sibilyan, alkalde at dito sa Filipinas nag-aral.

“Kasi every time ang Amerika kung magsabi: O hinto ka diyan, Duterte. Lahat na. Alam ko pro-Western si — E, military. Doon nag-aral ‘yan e. You must remember that Ramos finished his sa — West Point. Talagang ayaw niyang makipag — Hindi sabihin na… Ayaw niyang makipag-away. Ito puro ganito. Ako iba naman. Iba si Ramos. Iba ako. Kasi balewala siguro sa kanya ‘yan. Pero kung sabihin ng Amerika, huminto kayong patayan diyan pag hindi, wala na kayong aid, wala na kayong tulong. Para mo akong ginawang aso, nakatali sa poste, na magtapon ka ng pan, ilalayo mo talaga para masakal itong aso na ito, kakagat, na hindi naman makabitaw sa tali,” ani Duterte.

“‘Yung kung magsalita sila ganon palagi. “We will cut aid. We will suspend everything.” Sabi ko, you go to hell. Ang [tingin?] mo sa amin, mga Filipino, patay gutom. Nakinabang na nga kayo sa bayan namin. 50 years kayo na umupo rito. You live out with the fat of the land and you have the gall to say that. Kaya ‘yan ang ano ko sa Amerikano. Kaya lumayo ako. Kasi maski na gutom siguro ako, I might be able to just eat two days or one day a day. But if you… You know, you try to keep on rubbing on the dignity of the person. Kaya wala kayong Amerikano. Wala na ako sa… Maybe Ramos does not like it. Ibahin mo si Ramos. Ibahin mo ako, hindi naman ako nag-aral kung saan-saan. Dito lang ako. Local boy lang ako. Hindi naman ako military. Ako, mayor lang, naging Presidente,” paliwanag niya.

Gayonman, nagpasalamat si Pangulong Duterte kay Ramos sa pagtulong sa kanya at pagsisilbi sa bayan.

Pinakikinggan ni Duterte ang payo ng dating Pangulo ngunit may sarili aniya siyang estilo nang pagtatasa sa situwasyon at alam ni Ramos bilang dating PC-INP chief,  na hindi gawain ang EJKs gaya nang lumalabas sa media.

“I received his—Was it last night? I had a copy of his resignation. First, I’d like to thank him for helping me and being of the service to the nation even at his age. Second, I take his advice. But you know I have my own way of assessing it. For example, sa—I don’t know if… I have not heard but it was stated there in one newspaper about extrajudicial killing. He knows that I do not do it and we do not do it. He was once upon a time the chief of the PNP. Hindi na ginagawa ‘yan,” dagdag ni Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella,  sibil at magalang ang resignation letter ni Ramos na isinumite sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *