Monday , December 23 2024

Duterte nanindigan: ASEAN kalasag vs neo-colonialism

KAILANGAN bigyan ng importansiya ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) bilang kalasag ng maliliit na bansa laban sa kasakiman ng European Union at Amerika.

Sa kanyang talumpati sa send-off ceremony sa 17 Vietnamese fishermen kahapon ay sinabi ng Pangulo na nasa komplikadong situwasyon sa international o global relations ang bansa.

Ang EU aniya ay gusto ang lahat nang makabubuti sa kanila kahit pa makasagasa sa Filipinas habang ang Amerika ay gustong kontrolin ang buong mundo, mula Atlantic hanggang Pacific sa pamamagitan ng Transpacific Partnership Program (TPP).

Nariyan din aniya ang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC), World Trade Organization (WTO) at iba pang dikta sa ating pamahalaan kaya lugi ang malilit na bansa na pinahihirapang makaagapay.

“We live in a very complicated international relations, global and lahat EU want the best for them. sometimes they intrude in our path. America wants to control Atlantic and Pacific. Pan-Pacific partnership. At the end of the day, lugi ang maliliit na bansa. They have a lot of things that make us hard to survive. That is why we place importance sa ASEAN. I have to do something to protect our interest. May APEC na , may WTO at mayroon pang iba, these are actually impositions on our government,” paliwanag niya.

Wala aniyang problema kung sabay-sabay na umakyat ang mga bansa sa sibilisasyon kaya ginagamit ng EU at Amerika ang geopolitics para kontrolin ang maliliit na bansa at lahing Oriental.

Ang geopolitics ay isang pag-aaral ng mga epekto ng geography sa international politics at international relations.

Aniya, ang lahing Oriental ay pinahahalagahan ang self respect, dignity at walang hilig sa giyera.

Aminado ang Pangulo na seryosong problema ang terorismo sa Mindanao, partikular ang Maute Group na responsable sa pambobomba sa Davao kamakailan.

Ngunit sa kabila nito’y ilang beses na binatikos at minura muli ng Pangulo ang Amerika na matagal nang katambal ng Filipinas kontra-terorismo.

Ginamit aniya ng US ang kampanya kontra-terorismo para sakupin ang Libya, Iraq at Syria, at santambak ang pinatay na inosenteng sibilyan at sinirang ari-arian pero akala mo kung sinong maamong tupa na binabatikos ang 3,000 katao na namatay na iniuugnay sa drug war ng kanyang administrasyon.

Anang Pangulo, hindi siya nababahala sa pagtanggi ng US na magbenta ng armas sa Filipinas dahil nariyan ang China at Russia na handang umayuda sa lahat ng pangangailangan ng bansa, maging sa mga armas.

“Tingnan mo ‘yung mga unggoy, ‘yung 26,000 na baril na bibilhin natin sa kanila ayaw na nila ipagbili. Tang ina… Maraming de bomba sa amin dito loko-loko e, loko-lokong mga Amerikano pati ba naman ‘yan,” sabi ng Pangulo.

Noong nakaraang linggo ay nangako kay “Lord” si Pangulong Duterte na hindi na magmumura nang pagbantaan siya na pababagsakin ang sinasakyang eroplano mula sa Japan.

( ROSE NOVENARIO )

FVR AMBOY

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Duterte, hindi kursunada ni dating Presidente Fidel V. Ramos ang mga birada niya laban sa Amerika kaya nagbitiw ang dating punong ehekutibo bilang special envoy sa China.

Sinabi ng Pangulo kamakalawa ng gabi sa Davao City, pinayuhan siya ni Ramos na mas maganda na maging kaibigan nang lahat ngunit ang hindi niya gusto ay nang insultuhin siya ng US at nagbabala na puputulin ang ayuda sa Filipinas dahil sa paglobo ng kaso ng extrajudicial killings bunsod ng kanyang drug war.

Nagtapos aniya si Ramos sa West Point o US Military Academy kaya may simpatiya talaga kay Uncle Sam ‘di tulad niya na sibilyan, alkalde at dito sa Filipinas nag-aral.

“Kasi every time ang Amerika kung magsabi: O hinto ka diyan, Duterte. Lahat na. Alam ko pro-Western si — E, military. Doon nag-aral ‘yan e. You must remember that Ramos finished his sa — West Point. Talagang ayaw niyang makipag — Hindi sabihin na… Ayaw niyang makipag-away. Ito puro ganito. Ako iba naman. Iba si Ramos. Iba ako. Kasi balewala siguro sa kanya ‘yan. Pero kung sabihin ng Amerika, huminto kayong patayan diyan pag hindi, wala na kayong aid, wala na kayong tulong. Para mo akong ginawang aso, nakatali sa poste, na magtapon ka ng pan, ilalayo mo talaga para masakal itong aso na ito, kakagat, na hindi naman makabitaw sa tali,” ani Duterte.

“‘Yung kung magsalita sila ganon palagi. “We will cut aid. We will suspend everything.” Sabi ko, you go to hell. Ang [tingin?] mo sa amin, mga Filipino, patay gutom. Nakinabang na nga kayo sa bayan namin. 50 years kayo na umupo rito. You live out with the fat of the land and you have the gall to say that. Kaya ‘yan ang ano ko sa Amerikano. Kaya lumayo ako. Kasi maski na gutom siguro ako, I might be able to just eat two days or one day a day. But if you… You know, you try to keep on rubbing on the dignity of the person. Kaya wala kayong Amerikano. Wala na ako sa… Maybe Ramos does not like it. Ibahin mo si Ramos. Ibahin mo ako, hindi naman ako nag-aral kung saan-saan. Dito lang ako. Local boy lang ako. Hindi naman ako military. Ako, mayor lang, naging Presidente,” paliwanag niya.

Gayonman, nagpasalamat si Pangulong Duterte kay Ramos sa pagtulong sa kanya at pagsisilbi sa bayan.

Pinakikinggan ni Duterte ang payo ng dating Pangulo ngunit may sarili aniya siyang estilo nang pagtatasa sa situwasyon at alam ni Ramos bilang dating PC-INP chief,  na hindi gawain ang EJKs gaya nang lumalabas sa media.

“I received his—Was it last night? I had a copy of his resignation. First, I’d like to thank him for helping me and being of the service to the nation even at his age. Second, I take his advice. But you know I have my own way of assessing it. For example, sa—I don’t know if… I have not heard but it was stated there in one newspaper about extrajudicial killing. He knows that I do not do it and we do not do it. He was once upon a time the chief of the PNP. Hindi na ginagawa ‘yan,” dagdag ni Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella,  sibil at magalang ang resignation letter ni Ramos na isinumite sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *