Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sayang ang ginastos ng mga ‘hakot’ na botante sa SK

Dragon LadyPIRMADO  na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensiyon para sa SK elections, ngayong taon, kung kaya maraming politiko na nakaupo ang desmayado, dahil nabura ang kasigurahan na muli silang mahahalal sa mga susunod na halalan, sakaling tuluyan nang hindi matuloy ang pagkakaroon ng SK elections, dahil karamihan sa mga kabataang botante ay ‘hakot’ lamang ng ibang politiko.

TURISTANG TSEKWA DADAGSA SA PINAS

Tiyak na dadagsa ang mga tsekwang turista sa bansa kapag tuluyan nang tinanggal ng bansang China ang travel advisory sa Filipinas. Halos dalawang taon nang umiiral ang travel advisory pero sa pagbisita ni Pangulong Rodrtigo Duterte kamakailan sa nabanggit na bansa posibleng alisin na ito.

***

Magugunita na inilabas ang travel advisory ng China, noong 2014 matapos masakote sa Filipinas ang tatlong suspek sa planong pagpapasabog sa Chinese Embassy at sa mga paliparan. Tiyak na lalakas ang turismo sa ating bansa sakaling tuluyan nang tanggalin ang travel advisory, dahil mas magiging matatag ang ekonomiya ng ating bansa, kung aabot sa 1,000 dolyar ang gagastusin ng bawat turista. Sigurado din na magiging malakas ang ekonomiya sakaling maging mganda ang pagsasama ng bansang China at Filipinas, partikular sa impraestruktura, investments, trade, soft loans, joint-anti-drugs efforts, donations of huge rehabilitation centers, at maging sa fisheries, at agrikutura.

3 PNP PROVINCIAL DIRECTOR NA SINIBAK

Marapat lamang sibakin ang tatlong PNP Provincial Director sa Region 6 dahil sa kakulangan na mapaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga. Isa lang ang ibig sabihin niyan, mga konsintidor, malaki kaya ang tinatanggap mula sa gambling lords!

***

Dito sa Kalakhang Maynila, payabangan ang mga Regional Director, paramihan ng nasasakote at paramihan ng mga napapatay. Ang pagkakaalam ko mas marami sa mga probinsiya, ‘yun nga lang mas maraming may pera sa Kamaynilaan na kayang umangkat ng bulto-bultong shabu, ‘di gaya sa probinsiya na barya-barya lamang!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …