NAIBAHAGI ng International singer na si Arnel Pineda sa Magandang Buhay kung paano siya kusang lumayo sa drugs. Nagsilbing wake up call ang babaeng minahal niya na si Cherry.
Birthday niya noong 2003 nang magpaalam daw si Cherry dahil nakikita niya ‘yung bisyo. Galing na raw ito noon sa ganoong relasyon at nakikita niya na walang mararating na direksiyon ang buhay. Para raw siyang nabuhusan ng malamig na tubig noong mag-empake ang kinakasama. After niyon, na-realize niya na itigil ang bisyo para sa babaeng minamahal niya. Walang rehab-rehab.
Sey nga ni Arnel, sariling katawan ang may control ng buhay mo. Huwag iasa sa magulang, kapatid o bestfriend. Ang solid na pagbabago ay dapat daw manggaling sa sarili. Nagpayo rin siya na dapat i-check ng mga magulang kung anong klaseng kaibigan o barkada ang sinasamahan ng mga anak. Dapat daw ay piliin ng mga anak ‘yung mga friend na may good influences.
Anyway, sobrang excited ni Arnel sa Powerhouse concert ngayong gabi, October 28, 7:30 p.m. sa The Theatre, Solaire Resort & Casino. Puro mga de-kalibre ring singers ang kanyang mga makakasama.
Sa presscon ay nagpaunlak ng ilang numbers ang magaling na leader ng Journey at ang 4th Impact at hangang-hanga si Arnel sa husay ng apat na magkakapatid na sa mga hindi nakaaalam ay naging finalist sa UK X Factor Season 12 last year.
“I wish these ladies (4th Impact) the best of luck talaga and sana, ‘yung mga dadaan na pagsubok sa kanila, malampasan nila kasi I went through a lot and I stood strong, I held on to my faith and belief and eto, finally, nabingi na ang Diyos, kakahingi ko ng request sa Kanya kaya eto na, ibinigay na Niya,” bulalas niya.
Ang Powerhouse concert ay produced ng Lucky 7 Koi Productions, Inc. na binubuo nina President-Joan Alarilla; Vice President-Rosalinda Ong; Secretary-Atty. Carmelita Lozada; Treasurer –Lily Chua; Asst. Treasurer-Carol Galope; Auditor-Liza Licup. Ang Board of Directors naman ay sina Emie Domingo, Neth Mostoles, Divine Lozada Arellano, CDO-Robert Alarilla at legal adviser nila si Judge Sta. Cruz.
Kasama rin sa concert sina Michael Pangilinan, Morisette, Mayumi, at T.O.M.S. band. Ito ay sa direksiyon ni Audie Gemora. Tickets are available at the Ticketworld.
ni ROLDAN CASTRO