Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricel, karapat-dapat sa ‘Ading Fernando Lifetime Achievement Award’

SA Diamond Star na si Maricel Soriano ipinagkaloob ngayong taong ito ng Philippine Movie Press Club ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award para sa kanilang 30th PMPC Star Awards For Televison na ginanap noong Sunday sa Novotel, Cubao, Q. C. Ito ay.dahil sa malaking achievements niya bilang isang TV star. Although gumawa na siya ng pelikula at the age of 6, ang My Heart Belongs To Daddy noong 1971 na gumanap siya rito bilang nakababatang kapatid ni Tirso Cruz III, mas una  pa rin siyang nakilala at sumikat bilang isang TV star nang gawin niya ang unang TV show at the age of six, na John en Marsha noong 1973 mula sa RPN 9, na pinagbidahan ng namayapang sina Dolphy at Nida Blanca. Rito ay gumanap siya bilang si Shirley Puruntong na anak nina John en Marsha.

Tumagal ang sitcom ng 17 years na naging dahilan para maging malapit si Maria kina Dolphy at Nida, na  itinuring niya na ang mga ito bilang pangalawang mga magulang. Sumunod na naging show ni Maria sa telebisyon ay ang youth-oriented comedy show na Kaluskos Musmod noong 1978 na napanood pa rin sa RPN 9. Gumanap siya rito bilang si Jaclyn Pusit. Nakasama niya rito sina Maila Gumila, Dandred Belleza at ang ngayon ay Mayor na ng  Quezon City na si Herbert Bautista. Pagkatapos ng Kaluskos Musmos ay napanood naman si Mairicel sa Kuskos Balungos na nakasama pa rin niya si Maila Gumila. And since then, nagtuloy-tuloy na ang TV career ni Maricel.

Ang ilan pa sa naging TV show niya ay ang sitcom na 2 + 2 na pinagsamahan nila ng dating boyfriend at karelasyong si William Martinez plus ang dating mag-asawang sina Dina Bonnevie at Vic Sotto; Let’s Go Crazy with Jack and Joey,na pinagbidahan nila  ni Joey de Leon; musicall variety shows na Maricel Live at Maria Maria; ang musical special na Maricel 22 on 2, drama anthology na The Maricel Drama Special; Kaya Ni Mister..Kaya ni Misis na silang dalawa ni Cesar Montano ang pangunahing bida, sa role na mag-asawa; Marry D Potter na isang comedy/fantasy show; John en Shirley na pinagsamahan ulit nila ng daddy Dolphy niya kasama si Ms. Susan Roces, ang teleseryeng Vietnam Rose na gumanap siya bilang isang Vietnamese; Florinda na isang suspense, hango sa pelikula ni Ms. Susan; 5 Star Special Presents…Maricel Soriano na unang show niya sa TV5; at ang huli ay ang Ang Dalawang Mrs. Real na gumanap siya bilang si Millette na asawa ni Dingdong Dantes.

O ‘di ba, ganoon karami ang nagawang TV show ni Maria? Kaya deserving siya sa award na ipinagkaloob sa kanya ng PMPC.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …