NAPAAGA ang premiere night ng The Escort dahil papunta ng Hongkong si Derek Ramsay. Wala rin siya sa mismong showing nito sa November 2 pero susuportahan ito ng pamilya niya at papanoorin.
Pero happy ang actor dahil binigyan ng R-13 classification ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula nila nina Lovi Poe at Christopher De Leon.
Pinag-uusapan ang The Escort dahil dito nagawa ni Derek ang pinakamahabang kissing scene nila ni Lovi. Umabot ng mga 4 minutes. Baka nga raw namaga na ang labi ni Lovi, huh.
Bet ni Derek ang kaseksihan at proportioned na katawan ni Lovi pati na ang abs at kulay ng balat nito. ‘Hot’ ang one word na pagsasalarawan niya. Hanggang paghanga lang ang nagagawa niya kay Lovi dahil mayroon siyang karelasyon ngayon na non-showbiz girl.
Ang The Escort ay prodyus ng Regal Entertainment Inc..
ni ROLDAN CASTRO