Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby Seve, takaw-pansin ang larawang nakadapa sa dibdib ng ina

TRENDING ang mga photo ng baby ng Home Sweetie Home star na si Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano na si Baby Severiano Elliot.

Takaw pansin ang larawan na nakadapa si Baby Seve sa dibdib ni Toni. Tuloy ang breast feeding ni Toni at mukhang sagana naman siya sa gatas ng ina.

Dahil bagong panganak si Toni, nagkalaman ito. Nami-miss na niya ang kaseksihan niya. Kaya may whole body picture siya na ang caption ay , “Hello 2012 body. Nakaka-miss ka. Sana magkita tayo ulit one day.”

Anyway, tuloy pa rin ang Halloween episode sa sitcom nila na Home Sweetie Home ngayong Sabado sa ABS-CBN 2 na may pamagat na  Road Trip Part 2 habang naiwan sa bahay si Toni (Julie).

Magugulat si Romeo (John Lloyd Cruz) nang akma siyang kagatin ng zombie na lalaki. Makikita rin niya na puro dugo ang bibig nito. Hindi alam ng grupo kung ano ang nangyari sa mga staff ng resort at ibang bisita. Parang mga siraulo raw ito at nangangagat. May zombie outbreak sa resort. Ano kaya ang mangyayari?

ni ROLDAN CASTRO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …