Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Leftist groups iniisa-isa ni Leila sa tulong ng ‘biyuda’ (Para magbangong puri)

‘HINIHIMAS’ ni Sen. Leila de Lima ang mga beteranong aktibista para paniwalain na walang katotohanan na siya ay narco-politician at pabulaanan ang mga testimonya na nakikiapid siya sa mga lalaking may asawa.

Sinabi ng isang political activist na tumangging magpabanggit ng pangalan na nagtungo kamakailan si De Lima sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City at nakipag-dialogo sa mga ‘beteranong kadre.’

Ang Bantayog ng mga Bayani Center ay isang memorial para sa mga aktibistang itinuring na mga bayani noong panahon ng batas militar at People Power Revolution.

Sinamahan umano si De Lima sa Bantayog ng isang biyuda ng napaslang na mass leader upang magpaliwanag sa mga senior women’s rights activist.

Nabatid na karamihan sa mga humarap kay De Lima ay mula umano sa grupo ng kababaihan na nakakiling sa ‘rejectionist faction’ o ang paksiyon ng mga kumalas sa Communist Party of the Philippines (CPP) dahil kontra sa liderato ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison.

“Marami ang tumaas ang kilay sa pagbisita ni De Lima sa Bantayog. May mga reserbasyon sa kanya ang mga kasama dahil noong justice secretary siya noong rehimeng Aquino ay santambak ang matataas na pinuno at miyembro ng kilusan ang inaresto at sinampahan ng imbentong kaso pero pinabayaan lang niya. Ngayon na bumuyangyang ang kanyang mga baho ay pupunta siya rito para bolahin kami,” anang source.

Napag-alaman na isang malaking PR firm na inupahan ng mga ‘dilawan’ para sa damage control ni De Lima at kasama sa ikinasang aktibidad ng senadora ay paglilibot sa mga unibersidad at magtalumpati sa harap ng mga naka-abito at estudyante para makapagbangong-puri sa nabunyag na pagkakasangkot niya sa illegal drugs trade sa New Bilibid Prison (NBP) at pakikiapid sa mga pamilyadong lalaki.

Matatandaan, nabunyag sa pagdinig sa Kongreso na binasbasan ni De Lima ang illegal drugs trade sa NBP para gugulin sa ambisyon niyang maluklok sa Senado at nabulgar din na nagkaroon siya ng relasyon sa kanyang driver-bodyguard na si Ronnie Dayan, MMDA escort Warren Cristobal, close-in aide Jonel Sanchez at convicted kidnaper Jaybee Sebastian.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …