MATAGUMPAY na naidaos ng The Philippoine Movie Press Club, Inc. (PMPC) ang pagtatanghal ng Star For M-TV Awards: The Fusion Of Philippine Entertainment’s Best,’ ang sanib-puwersang pagbibigay-parangal sa 8th PMPC Star Awadrs For Music at 30th PMPC Star Awards For Television. Ginanap ito sa Monet Grand Ballroom, Novotel Manila, Araneta Center, Quezon City.
Naging maningning ang entablado sa pagdalo ng mga sikat na bituin sa daigdig ng musika at telebisyon, mahuhusay ang mga host na sina Luis Manzano, Jodi Sta. Maria, Xian Lim, Kim Chiu, Alex Gonzaga, at Robi Domingo at binuhay ang panonood ng lahat ng mga natatanging performances nina Martin Nievera, Jed Madela, Erik Santos, Darren Espanto, Sam Concepcion, Jason Dy, Yassi Presman, Hashtags, PHD Dancers, at 4th Impact.
Ang saya ng crowd at palakpakan sa tribute ng Ading Fernando Lifetime Achievement Awardee na si Maricel Soriano. Tuwang-tuwa si Maria nang handugan siya ni Yassi ng kanyang signature dance numbers. Bumaba si Yassi at sinundo si Maricel para sayawin nila ang I Am What I Am. Buong ningning siyang umakyat sa entablado at walang kapagurang sumayaw. Sigawan, tilian naman ang audience. Taglay pa rin talaga ni Maricel ang kanyang star value dahil hanggang sa baba ng Novotel ay pinagkaguluhan siya at sinusundan ng tao.
Madamdamin ang mga pananalitang nagmula sa mga Lifetime Achievement Awardee, mula kay Maricel, Excellence In Broadcasting Lifetime Achievement Awardee Luchi Cruz Valdes, Pilita Corrales Lifetime Achievement Awardee,Dulce, at Parangal Levi Celerio na si Vic del Rosario na nirepresenta ng anak na si Vic del Rosario, Jr..
Ipinagkaloob naman ang German Moreno Power Tandem Of The Year kina Kim at Xian, ang anak ng Master Showman na si Federico Moreno ang nag-award niyoiya n. Mapapanood ang kabuuan ng programa sa ABS-CBN Sunday’s Best sa Nobyembre, 20. Ito ay sa direksiyon ni Bert De Leon.
Inihandog naman ni Jake Ejercito ang kanyang Best New Male TV Personalitytrophy sa anak kay Andi Eigenmann na si Ellie.
Parang awkward naman ang pagtatagpo sa stage ng mag-ex na sina Jennylyn Mercado at Luis Manzano. Naghiyawan pagkabasa ni Luis ng pangalan ni Jen bilang Best Drama Actress. Nag-hi lang si Jen sa kanila at hindi bumeso na nasa entablado ang anim na hosts ng parangal.
Sa acceptance speech ni Jen ay nagpasalamat siya kina Manilyn Reynes,Mosang, at Nova Villa dahil hindi nila ito iniwan at tinapos ang parangal para i-cheer ‘pag nag-win ito. Katabi niya kasi ang mga ito sa upuan. Inihandog din ni Jen ang kanyang trophy sa Mommy Lydia na may sakit ngayon at sa kanyang anak na si Jazz. Nakalimutan yata ni Jen na ialay sa kanyang leading man na si Papaw (Dennis Trillo) ang tropeo niya gaya ng paghandog noon ni Dennis ng kanyang trophy nang manalo itong Movie Actor of The Year sa Star Awards for Movies.
Matapos ang speech ni Jen ay kinuha ni Luis ang microphone na hawak- hawak niya. Nagsigawan ang mga tao pero halatang parang uniiwas pa rin si Jen. Si Robi Domingo ang naghatid kay Jen pababa ng entablado at hindi si Luis.
ni ROLDAN CASTRO