Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hindi po ako nag-attitude sa Sorsogon — Kim

NAG-PM si Kim Domingo sa Facebook account namin para ipaliwanag ang naisulat naming inakusahan siyang nag-inarte at nag-attitude sa out of town show niya sa Sorsogon.

Para maging fair, narito ang kanyang side .

“I dont know kung paano nila nasabi na attitude ako. Manager ko ang nakikipag-usap sa kanila, hindi ako coz ayoko may masabi ibang tao. Wala kasi sa napag-usapan nang nag-book sa amin don yung ibang pinapagawa nila. Ang napag-usapan lang sasayaw ako which is ginawa ko naman then 1 song lang sa gabi kaya nga sabi ko dapat next time malinaw lahat kasi mahirap ‘yung bibiglain ka then pag nagreklamo manager iisipin attitude na. At saka hindi totoong namimili kami ng lugar ng pag-stay-an dahil dun talaga kami naka- book. I really love the place pero nagpapalipat kami ng room dahil sira ang lock ng glass door nila.

“‘Yung sa courtesy call kausap ko mga staffs nila sabi kung di kami mkakasama sa lunch for tomorrow its okay hindi ko alam san nanggaling ‘yung may kumatok sa amin dahil gabi palang maliwanag na usapan namin  ng staff ni Governor hindi po Congressman

“’Yung mukhang malungkot kahit nagpapa-picture sila,  nakangiti ako siguro pero normal na tao pa rin ako pag pagod. Nakikita sa mukha ko  na malungkot ako  at tulala because wala pa kaming tulog that time and feeling ko pagod na pagod ako.

“Kilala ko sarili ko thankful ako sa nararating ko ngayon. Di ako ganoong tao. Mahal ko ang  trabaho ko and thankful ako sa mga humahanga sa akin. Kung wala sila, wala ako dito,” paliwanag pa niya.

Kinunan din namin siya ng reaksiyon sa isyung pati mother niya at boyfriend ay dala raw niya. Plus one lang daw dapat pero apat sila.

“Ang mangyayari po kasi  ay parang isinabay ko na family outing in my own expenses po kasi , may show rin ako sa Virac pero nakansela. Dagat naman po kasi sa Catanduanes kaso di natuloy pero may lagare po ako  ng Sorsogon. ‘Yung family ko umuwi na po baka yun po tinutukoy nila,” saad ng Kapuso sexy actress.

Eh, ano ‘yung chism na gumawa siya ng kuwento na may courtesy call  siya sa gabi sa congressman?

“Wala pong courtesy call ng gabi kasi nagpaalam na po ko sa kanila na di na muna kami magdi-dinner dahil kakakain pa lang namin. Ang sinasabi po nila ay yung lunch kinabukasan with Gov. Sabi ko, if ever po ba na hindi kami makapag-lunch for tom okay lang? Kausap ko mga staffs nila Gov., no problem naman daw po. Ewan ko kung saan nanggaling ang issue about courtesy call ng Congressman kasi nagyayaya ng lunch ay Governor not Cong. At di din po ako nagalit nu’ng pagtabihin kami (sa stage),” pagtanggi pa ni Kim.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …