Saturday , December 21 2024

Hanggang China si De Lima pa rin

Dragon LadyHANGGANG  sa bansang China, dala pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang sobrang galit kay Senadora Leila de Lima na umano’y sangkot sa malawakang drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Ipinangako ng Pangulo na magagaya siya sa dating Pangulong Gloria Macapagal, at ang pagkakaiba lamang ay mabubulok si De Lima sa bilangguan at walang kaukulang piyansa dahil matitibay umano ang mga ebidensiya laban sa Senadora.

Aber… tingnan natin mga ‘igan!

***

Sa administrasyong Duterte, binuwag ang lahat ng gangs, regular na pagpapalit ng mga opisyales, regular na lifestyle check at maging food allowances ng mga preso, at tinitiyak na hindi magagamit sa katiwalian.

Sa legislative measures, ibinabalik ang parusang kamatayan para sa drug cases, exemption sa drug inmates sa Anti-wire Tapping Law, Bank Secrecy Law at Anti-Money Laundering Act.

Panahon na rin para isailalim sa isang departamento ang lahat ng kulungan sa bansa at bigyan ng dagdag na pondo ang BuCor at ang PDEA para sa modernisasyon.

***

Dagdag ang paghihigpit na ipagbawal sa mga preso ang paghawak ng pera, o mayroong naka-assign na magse-safekeeping ng mga pera na bigay ng mga dalaw ng preso, para makita ang wastong paggamit. Ang Navotas Jail ay pumalag sa pagbabawal na humawak ng pera ang mga preso. Iba naman ang problemang ito, dahil paano makabibili ng kanilang kailangan ang mga preso, gayong may tindahan ang bawat kulungan?

Kunsabagay puwede naman pautangin dahil may perang naka-safekeeping ang presong may pera.

***

Sa isang banda, kung walang nagbebenta ng ilegal na droga sa loob ng kulungan, at mahigpit ang pagbabantay ng mga nakatalagang jailguard, wala naman problema kung may pera ang inmates ‘di ba?

ISUMBONG MO

KAY DRAGON LADY

ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *