DAVAO CITY – Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi “separation of relation/ties” ang kanyang naging deklarasyon sa state visit sa China laban sa Amerika kundi “separation of foreign policy” lamang.
Ito ang sagot ng Pangulo nang tanungin kung tatapusin na ng Filipinas ang relasyon sa Estados Unidos makaraan ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng kalituhan.
Ayon kay Pangulong Duterte, ayaw niyang maapektohan ang diplomatic ties ng US at ng bansa lalo na’t maraming Filipino na nasa Amerika gayondin may mga Amerikano sa Filipinas.
Aniya, dahil sa kanyang desisyon, nagpakita ng suporta ang bansang Russia at sinabing isang magandang “human gesture” ang ginawa ni Duterte.
ni ROSE NOVENARIO