NILANGAW sa sinehang pinuntahan namin noong opening day ng movie nina Anne Curtis at Dennis Trillo. Mahigit 20 lang kami sa loob ng sinehan. ‘Yung iba free pa dahil sa MTRCB ID. Madalas kaming manood sa sinehan na ‘yun kaya alam namin ‘pag talagang malakas ang isang pelikula gaya ng Barcelona na punompuno at Camp Sawi na halos puno ang sinehan.
‘Yung isang friend namin nag-walkout pa dahil sa kababawan, kasimplehan ng kuwento. Mapi-predict mo na ang magiging ending. Hindi niya tinapos ang pelikula. Kung gusto mo nang baliw-baliwan at aliw lang, puwede na rin. Maaaliw ka naman sa acting ni Anne at sa kaseksihan ni Dennis. ‘Yun ang saving factor ng pelikula.
Nasalubong din namin ang isang entertainment editor na kapapanood din ng nasabing movie sa nasabing mall, ang hatol niya sa pelikula ay chakaness.
Sabi naman ng isang entertainment columnist na straightforward ang opinion, “mas may matinong mensahe ang The Third Party kaysa becki movie nina Anne, Dennis, at Paolo Ballesteros. No comparison.”
Sad to say, dalawang noontime show na ang nagpo-promote ng nasabing pelikula pero puwedeng magbisikleta sa loob ng sinehan.
Well…well…
TALBOG – Roldan Castro