Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ryza, napapikit habang pinanonood ang masturbation scene

MASUWERTE si Ryza Cenon dahil supporting role lang ang gusto niya sa audition ng Ang Manananggal sa Unit 23B na showing sa QCinema International Film Festival pero nagustuhan siya noong sabihan siyang subukan niya ‘yung lead role.

“Sobrang blessed nga na ikinonsidera nila ako na i-try ‘yung Jewel. Yung lead,” reaksiyon niya.

Pinag-uusapan ang masturbation scene ni Ryza sa nasabing indie movie na idinerehe ni Prime Cruz. Prodyus ito ng Idea First nina Direk Perci Intalan at Direk Jun Lana. Napapikit nga siya noong ipalabas ang eksenang ‘yun sa World Premiere.

Umaasa ba si Ryza na manalong Best Actress sa filmfest na ito lalo’tUltimate Female Survivor siya ng StarStruck season 2 at ‘yung runner-up niyang si LJ Reyes ay nagwagi ng Best Actress sa Anino sa Likod Ng Buwan?

“Hindi naman, wala namang competition. Wala namang competition, ‘di ba? Masaya ako and proud ako na nanalo siya, international tapos ang dami pa rito so, mas maganda rin kung makakuha rin ako (ng award) para siyempre ‘yung batch namin, at least ‘di ba?,” bulalas niya.

Bukod sa Ang Manananggal sa Unit 23B ay visible rin si Ryza sa telebisyon. May guest appearance siya sa Alyas Robin Hood na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …