Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pre-programming ng EB, para talaga sa TROPS

ITINANGGI ng pamunuan ng TAPE, Inc. na supposed to be ay oras ni Kris Aquino ang time slot ng bagong youth oriented show ng GMA 7 na Trops. ‘Yung 11:30 a.m.-12 noon, Mondays to Fridays ay intended daw talaga sa TROPS, kapalit ng Calle Siete.

May chism na binaril umano ng isang mataas na network official ang show ni Kris. May lumalabas ding tsismis na tumanggi  umano ang kasosyo ng producer ng show ni Kris. Ano ba talaga ang totoo sa tsikang ito?

Anyway, magsisimula ang TROPS sa October 24 na tampok ang That’s My Bae na sina Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Jon Timmons, Tommy Penaflor, at Kim Last. Nandiyan din sina Taki Saito,Benjie Paras, Ina Raymundo, at may special participation sina Kylie Padilla at Julie Anne San Jose. Ito ay sa direksiyon ni Linneth Zurbano.

Bilang paghahanda sa TROPS, sumailalim silang lahat ng acting workshop para maisabuhay ng totoo ang kani-kanilang roles at hindi malayo sa pagiging millennials nila.

Tatalakay sa iba’t ibang issues ng henerasyon ngayon ang TROPS-peer, pressure, friendship, rivalry, generation gap atbp.. Isang layunin ng programa ay maka-relate sa mga inang may millennial baby.

Siyempre, nandoon ang dynamics ng mga millennial ngayon. Lalantad ang klase ng pananamit, ugali, style ng buhok, at samahan nila. Maging ang hugot ng millennials sa characters ay maa-identify ng lahat ng televiewers.

Boom!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …