Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PNP sa SJDM Bulacan bulag sa ilegal na droga

Dragon LadyMUKHANG balewala sa mga tauhan ng Philippine National Police ng City of San Jose del Monte sa Bulacan ang administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte dahil hanggang ngayon ay patuloy ang paglaganap ng ilegal na droga, partikular sa lugar ng Gumaoc.

***

Hindi lamang bulag, bingi sa bilihan ng droga, at harapan na kung magbenta. Hindi alintana ng mga pusher at drug user. Ito ay kapabayaan ng mga tauhan ng PNP sa nasabing lugar.

***

Hindi ba ito nakikita ni Mayor Robes? Wala ba siyang natatanggap na reklamo mula sa mga residente ng Gumaoc? O sadyang bulag din si Mayor? Mistulang senadora Leila de Lima, kaya bulag pati si Mayor? Iisa lang ang alam kong dahilan kapag hindi inaaksiyonan ang isang ilegal na gawain, may PARATING! Tama ba o mali Mayor?

NAWALA ANG TIRTIR SA PASAY

DATI-RATI  ay nagkalat ang mga dayuhang miyembro ng tirtir o mga snatcher, mandurukot sa Rotonda, Pasay City. Ngayon, wala nang laman ang police blotter ng Criminal Investigation Unit ng Lungsod ng Pasay, kompara sa dating administrasyon na napupuno ang police blotter ng pulisya sa araw-araw na reklamo sa masasamang elemento, partikular ang mga kasong snatching at pandurukot sa nasabing lugar!

***

Noon kapag may nadadakip na snatcher, taga-Tondo o kaya Cavite, kadalasan ay pawang dayo lamang sa lungsod ng Pasay. Ang hindi lamang nabago sa Rotonda, Pasay City ay nakabalagbag na mga pampasaherong jeep, na dalawang linya ang sakop sa gilid ng Metro Mall, Taft Ave. Pasay City. Nakatanga lamang ang mga pulis, at tipong legal na legal ang ginawang terminal na jeep, apektado ang mga pribadong sasakyan na dumaraan…may naamoy ako… MAGKANO!

ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Ang sabsaban at ang masa:  
Pagharap sa korupsiyon ngayong Pasko

PADAYONni Teddy Brul TUWING Pasko, paulit-ulit nating ginugunita ang kapanganakan ni Hesus sa isang sabsaban—isang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …