BEIJING — Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, panahon na para sabihing “Goodbye”sa US, sa ginanap na state visit sa China nitong Miyerkoles, sa gitna nang pagnanais niyang palitan ang diplomatic alliances ng Filipinas.
Si Duterte ay nasa China para sa apat na araw na inaasahang magkokompirma sa kanyang pakikipaghiwalay sa Washington at pakikipaglapit sa Beijing.
Sa kanyang pahayag sa harap ng Filipino community sa Beijing, sinabi ng pangulo, kaunti lamang ang naging pakinabang ng Filipinas sa ma-tagal na pakikipag-alyansa sa US, dating colonial ruler ng bansa.
“Your stay in my country was for your own benefit. So time to say goodbye, my friend,” pahayag niya patungkol sa US.
“I will not go to Ame-rica anymore. I will just be insulted there,” aniya, at muling minura si US President Barack Obama.
Sinabi ni Duterte, nagsasawa na siya sa fo-reign policy ng Filipinas na idinidikta ng Western agenda. “What kept us from China was not our own making. I will charter a new course,” aniya.
Ang foreign policy sa ilalim ni Duterte ay iba sa isinusulong nang pinalitan niyang si Benigno Aquino III, na kinaladkad ang Beijing sa international tribunal bunsod nang pagkamkam sa South China Sea, at nanalo sa nasabing kaso.
Ang desisyon ng international tribunal ay ikinagalit ng Beijing. Ngunit ang tribunal ruling ay hindi iginiit ni Duterte sa China.
Bukod dito, sinuspendi ni Duterte ang joint US-Philippine patrols sa South China Sea, at nagbantang tatapusin na ang joint military exercises.
ni ROSE NOVENARIO