Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ynez, feeling Kapamilya na dahil kay Sylvia

HAVEY si Ynez Veneracion dahil hindi siya nabakante sa paggawa ng serye sa ABS-CBN 2. Pagkatapos ng Tubig At Langis ay kasama rin siya sa The Greatest Love na pinagbibidahan ni Sylvia Sanchez.

Touched siya kay Ibyang (tawag kay Sylvia) dahil isinama niya si Ynez sa Kapamilya Christmas Station ID.

Nahihiya nga raw si Ynez dahil hindi naman siya contract star ng ABS-CBN pero sabi ni Ibyang ipakikilala niya ito sa mga executive.

“Ang bait niya, sobra. Sa unang tingin ay suplada ang dating pero noong magkasama kami sa taping, noong umpisa nag-o-observe lang siya at titingin pero hindi mo mararamdaman na others ka sa set. Ituturing ka niya talagang kaibigan at kapamilya,” kuwento ni Ynez.

Humantong na raw sa point na pinapupunta na ni Sylvia si Ynez sa bahay nila.

Sinabi rin  ni Ibyang  na gaya rin siya nito rati na mahiyain pero nagsikap ito, minahal ang trabaho, nakisama, at nagbunga naman dahil nagtagal siya sa business na ito. Kung kailan nga nagkaedad si Sylvia ay nagbida pa sa teleserye.

Naa-appreciate ni Ynez ang ginawang pagpapalakas ng loob at inspirasyon na ibinibigay sa kanya ni Sylvia.

Ano naman ang feeling niya na nakasama siya sa Christmas Station ID ng ABS-CBN 2.

“Taray! Mapapanood ako kasama ang mga big star. Nasa harapan kami. Nakatutuwa. Ang sarap maging kapamilya,” sey ni Ynez.

So feeling Kapamilya ka talaga sa shoot?

“Feelingera akong palaka, eh,” tumatawa niyang tugon.

Bagamat walang contract si Ynez sa ABS-CBN 2, madalas din daw siyang mag-guest sa MMK at Ipaglaban Mo.

Magaling namang artista si Ynez kaya naman nandiyan pa rin siya kahit tapos na ang era ng pagpapa-sexy niya sa mga pelikula noon. Ilang beses na ring pinuri ng mga kritiko na nakaaarte siya kaya naman na-nominate rin siya sa ilang award giving bodies.

Nakapagpundar din si Ynez dahil sa showbiz .Hindi kasi siya bulagsak sa pera. Actually, may bahay din siya na worth P15-M.

‘Pag dumating nga raw ang panahon na tumumal ang kita niya, puwede niya itong ibenta para makapagnegosyo at magpagawa ng apartments na pauupahan niya. At least, doon pa lang ay may monthly income na raw siya.

“O, ‘di ba? ‘Yung  P5-M pampatayo ko  ng townhouse para sa amin ng anak ko, tapos ‘yung P10-M puwedeng ilagay sa pagkakakitaan,” sey pa niya.

Pero naniniwala kami na hindi mawawalan ng proyekto ang kagaya ni Ynez na pinatunayan namang marunong umarte.

Pak!

***

GUSTO naming batiin ng happy birthday ang aming kaibigan at head manager ng White Bird Entertainment Bar, Roxas Blvd., Paranaque (malapit sa Baclaran)  na si Gellie Imperial. Mayroon siyang pasabog na birthday show ngayong gabi  sa White Bird, October 19, 10:00 p.m. titled “O N E B I G N I G H T.

Samahan natin siya sa mapanuksong gabi na may sorpresa ang mga nagguguwapuhang modelo. May special participation ang  WB MGR’S na sina Amor, Mischa, Karla, at Matet  na tinawag na  A.S.A.P D’VAS..Manager’s in Concert.

TALBOIG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …