Monday , December 23 2024

Buang sa shabu delikado — Palasyo (QRF ng DoH gagastusin sa mental health)

NAALARMA ang Malacañang sa paglobo ng bilang ng mga nabuang dahil sa shabu kaya itinuturing ito ng administrasyong Duterte na emergency situation kaya ginamit ang Quick Response Funds ng Department of Health (DOH).

“The fund is actually used for any public health emergency and the surrenderees that we have now is considered a public health emergency. It’s a mental health problem,” sabi sa press briefing kahapon sa Palasyo ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial.

Ang ginagastos aniya ng DOH para doblehin ang kapasidad nang pagmamantina ng rehabilitation centers ay QRF na P130-M.

Sa Region 3, sa lugar kung saan itinatayo ang rehabilitation center sa loob ng Fort Magsaysay sa Laur, Nueva Ecija ay naglaan ang DOH ng P15-M mula sa QRF para sa sahod ng mga magiging empleyado ng pasilidad.

Paliwanag ni Ubial, walang nakalaan na budget para sa drug rehabilitation sa taong kasalukuyan pero sa 2017 ay mayroong pondo para sa nasabing mga pasilidad.

“As of the moment, we don’t have the budget in our current budget. So we are actually using our Quick Response Fund, which is used for any eventuality or emergency or unplanned, unforeseen eventuality in the health sector. So we’re using that and we have sub-allotted P130 million to the existing treatment and rehab centers so that they can expand their capacity to double their original capacity and then to Region III, we have sub-allotted around 15 million to hire the new employees. So we’re looking at a possibility that by 2017, the budget will already be included in our General Appropriations Act,” aniya.

Sa kasalukuyan, 7,900 drug addicts sa 790,000 surrenderees ang kayang gamutin ng mga pasilidad ng gobyerno.

“Our goal right now is to establish two more mega treatment and rehabilitation—one more mega treatment and rehabilitation center in Luzon, another in Visayas and another in Mindanao,” dagdag niya.

Ang pagsugpo sa illegal drugs ang prayoridad ng administrasyong Duterte at ang pagdami ng mga napapatay kaugnay sa drug war ang ginagamit na isyu ng mga kalaban sa politika ni Pangulong Rodrigo Duterte na anang Pangulo ay sinakyan ng Us, European Union (EU) at United Nations (UN).

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *