Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ai Ai, handa raw iwan si Gerald para kay Lord

EXCITED at tuwang-tuwa si Ai Ai Delas Alas dahil sa mismong kaarawan niya, November 11 ay gagawaran siya ng Pro Ecclesia et Pontifice, Solemn Investiture Papal Award. Itinuturing ito na pinakamataas na medal na ibinibigay ng Santo Papa at simbahang Katoliko. Kabilang na rin si Ai Ai sa Papal Family na sasaluduhan siya ng mga Swiss Guard sa Roma ‘pag suot ang medalya.

‘Pag dumalaw din sa Vatican ang mga awardee ay may special place rin sila na pupuwestuhan. Lahat sila ay nakaitim na para silang namatayan at parang mga byuda.

Last two weeks lang dumating ang magandang balitang ito kay Ai Ai. Lima raw silang in-apply ni Bishop Antonio Tobias ng Novaliches at nag-iisa si Ai Ai sa showbiz na tatanggap ngayong taong ito. Naunang nabigyan na ay si Ryan Cayabyab sa larangan ng musika.

Ang Papal Award ay hindi basta-basta naipagagawa dahil galing ito mismo sa Roma. Pati ‘yung certificate ay nakasulat sa Latin kaya pati ang pangalan niya ay written in Latin. Bongga nga si Ai Ai dahil kahit sina Evita Peron, Madam Imelda Marcos o yumaong Presidente Cory Aquino ay hindi nabigyan ng ganitong parangal.

Napili si Ai Ai dahil sa kabutihang nagawa niya sa kapwa at sa simbahan. Hindi napapabalita pero maraming pari ang natutulungan ni Ai Ai. Nagpagawa rin ito ng simbahan na Santo Kristo, nagpapaaral din ito ng mga taong hindi niya kilala. Dumaan ito sa imbestigasyon at puro magaganda ang komento sa kanya ng mga tao.

Ayon naman sa kaibigang pari ni Ai Ai na si Father Eric Santos, pagkatanggap daw ni Ai Ai ay bawal muna siyang kumain ng ‘karne’. Kailangang umiral sa kanya ang celibacy habang wala pang matrimonya ng kasal.

Nagbitaw naman si Ai Ai na puwede niyang iwanan ang kanyang boyfriend na siGerald Sibayan kung si Lord naman ang kapalit.

Pero sabi ni Father Eric ay ‘wag niyang iwanan si Gerald dahil magsisilbing gabay at proteksiyon ito ni Ai Ai.  Nangako at pumayag naman si Gerald na hindi muna sila magse-sex habang hindi pa kasal.

Dito napatunayan ni Ai Ai kung gaano siya kamahal ni Gerald kahit walang sex na mamagitan sa kasila .Pero ‘yung plano nilang apat na taon bago ikasal ay gusto na ni Gerald na maging dalawang taon na lang. At baka mapadali pa na magiging isang taon na lang.

Hindi lang si Gerald ang natutuwa sa parangal na matatanggap ni Ai Ai, pati na rin ang kanyang mga anak.

“Astig,” ang naging reaksiyon nila.

Samantala, hindi naman kailangang magbago si Ai Ai pagtanggap ng Papal Award na ito. Magiging natural pa rin siya pero may kaunting limit gaya ng pagsusuot ng tangga na magiging shorts na lang. ‘Yung maseselang role ay iiwasan niya pero ‘yung ginawa raw niya sa bago niyang pelikulang Area ay puwede pa rin dahil dramatic pa rin ‘yun. Of course, ‘yung pagiging komedyana niya ay hindi pa rin magbabago.

Sa kabilang banda, nominado rin ngayon si Ai Ai bilang Best Comedy Actres sa sitcom niyang Hay Bahay with Vic Sotto sa darating na PMPC Star Awards for TV sa October 23 sa Novotel, Cubao.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …