ALIN kaya ang mauuna? Ang balik-tambalang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion o muling magsasama sa pelikula sina Shawie at Robin Padilla?
Ibinulgar ni Binoe na posibleng magsama ulit sila ng megastar.
Samantalala, kampante si Robin na nasa ayos ang asawa niyang si Mariel Rodriguez habang nasa ibang bansa. Nakatakdang magsilang si Mariel ng baby nila sa November 2016.
Alam ni Binoe na maraming mag-aalaga sa misis niya sa abroad dahil nandoon ang pamilya niya gaya ng tatay at tita niya. Spoiled nga raw sa abroad si Mariel.
Gustong-gusto ni Robin na sumunod sa asawa kung mabibigyan siya ng US Visa.
Nagdarasal nga siya na maaprubahan ang visa niya sa US embassy.
“Naniniwala naman ako na walang dahilan para i-deny ako ng United States of America dahil ‘di naman ako kalaban, mabuting tao naman ako sa palagay ko,”deklara niya sa isang panayam.
TALBOG – Roldan Castro