UMABOT pala sa puntong gusto nang mag-quit ni Marion Aunor sa music industry kahit na maganda naman ang takbo ng kanyang singing career.
Ayon kay Marion nang makausap namin siya kamakailan, umabot sa puntong naisip niyang mag-quit. ”Minsan, napi-feel ko na gusto ko nang mag-quit kasi ang hirap. Tapos si Mom (Lala Aunor) naman, nagdasal siya na sana may sign na ganito.‘Tapos lumabas ‘yung nominations the next day. Hayun, parang nasagot ‘yung prayers niya, kung itutuloy ko pa ba o hindi? Nag-send kasi ng message si God na…’Siya kasi (referring to her mother), gusto niyang maging successful ako. At hindi natin alam ang number of years na malalaman mo kung nagiging successful pa ba o itutuloy pa ba?” sabi ni Marion.
Inisip na lang din ni Marion ang ibang kapwa niya singer na nagbilang ng maraming taon bago nagkapangalan o sumikat sa music industry.
“Nababasa ko rin naman sa write ups ng mga artist na ilang years talaga bago ‘yung break. ’Yung, ‘Ay ang tagal na pala nila, ‘tapos sikat na sila ngayon. Ang dami rin nilang pinagdaanan.”
Samantala, sa October 16, Linggo, gaganapin ang concert ni Marion billed as Marion + Le Band sa 9 East Bar, sa Sucat Paranaque. Ipinagmalaki raw niya ito at makakasama niya ang balladeer na si Michael Pangilinan. Ang magiging host ng concert ay ang DZMM Teleradyo Chismax host na si Ambet Nabus.
MA at PA – Rommel Placente