Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Derrick, ‘di na basta-basta leading man

FINALLY, after ng ilang taon sa showbiz, ngayon ay bidang-bida na si Derrick Monasterio. Siya ang nasa title role ng bagong action comedy series ng GMA 7 na Tsuper Hero.

Hindi na siya basta leading man lang ng bidang babae gaya ng ginampanan niya noon sa mga seryeng ginawa niya.

Hindi dumaan sa auditon si Derrick para sa role niya sa action comedy series. Personal choice siya ng Kapuso Network para rito. Kaya naman sobrang nagpapasalamat siya sa kanyang mother studio na pinagkatiwalaan siya na bigyan ng sariling show.

“Natuwa ako noong sinabi sa akin na magli-lead ako sa isang sitcom. Sobrang sarap ng feeling at the same time nakaka-pressure kasi sa ‘yo ibi-blame kung hindi magiging successful ang show. Pero good thing is, my co-stars are very supportive, professional and excellent when it comes to our craft. And siyempre, ‘yung directors and writers, hands-on din,” sabi ni Derrick.

Si Bea Binene ang leading lady ni Derrick. Natutuwa ang aktor na muling nakatrabaho si Bea.

“Si Bea kasi close na kami, gamay na namin yung isa’t isa. Kaya natutuwa ako na magkatrabaho kami ulit.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …