HINDI na da-pat itago kaya dapat ibulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte ang listahan ng mga pangalan ng may 5 libong kapitan ng barangay na sangkot sa ilegal na droga, upang malaman mismo ng mga nagtiwalang constituents na ang kanilang kapitan ng barangay ay hindi magandang ehemplo sa kanilang lugar, na imbes magbigay ng proteksiyon ay isa palang masamang impluwensiya partikular sa mga kabataan.
Kung ang mismong namumuno sa isang lugar ay sangkot sa ilegal na droga, ano ang magandang idudulot nito sa kanyang lugar? Posible na mas lumaki ang populasyon ng gumagamit ng ilegal na droga!
MANILA CITY JAIL WARDEN, DAPAT ALISIN
Kung inyong magugunita, ng may sumabog na granada sa Parañaque City jail, na sampung preso ang namatay. Si Col. Bantag ang warden, na kasalukuyang may kasong administratibo. Kagulat-gulat na nailipat sa mas magandang puwesto, bilang jail warden ng Manila City Jail
***
Sariwa pa ang mga pangyayari sa Parañaque City jail, kaya naman kabado ang mga preso ng Manila City jail, partikular ang inmates na may kaso sa ilegal na droga. Pakiramdam nila ay may masamang mangyayari sa kanila, dahil inihihiwalay ang mga may kasong ilegal na droga at pagsasama-samahin. Nangangamba ang mga preso ng Manila City Jail dahil ang mga inmate ng Parañaque City jail na namatay sa pagsabog ng granada sa mismong tanggapan ni Col. Bantag ay pawang may kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
***
Hiling ng mga preso sa Manila City jail, PA-LITAN SI WARDEN” na dapat lang! Ibang kalse ang lakas sa itaas nitong si Col. Bantag, hindi kaya miyembro siya ng Davao Squad? O miyembro ng riding -in-tandem, o kaya ay vigilante group?
ISUMBONG MO KAY DRAGON LADY – Amor Virata