Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wala akong utang na loob sa business sector — Digong

ISINANLA  ni Finance Secretary Sonny Dominguez ang kanyang hotel na Marco Polo sa Davao City para pondohan ang kanyang kandidatura sa katatapos na May 2016 presdiential elections.

Sa talumpati ng Pangulo kagabi sa  Philippine Business Conference and Expo, sinabi niya na  umaasa siya na matutubos na ni Dominguez ang naturang hotel.

Ayon sa pangulo, isa si Dominguez sa iilang kaibigan na sumuporta sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Aminado ang pangulo na wala siyang bitbit na bagahe o utang na loob dahil noong panahon ng kampanya, tanging mga malalapit na kaibigan lamang ang sumuporta sa kanya at hindi ang sino-sinong mga negosyante.

“Parang—so wala akong bagahe. I have no baggage to… No debts to repay. Well, except Sonny Dominguez, I just learned that he mortgaged his hotel, Marco Polo. I hope you recover on time,” aniya.

( ROSE NOVENARIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …