Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manilyn, nakakuha ng 2 nominasyon sa 30th PMPC Star Awards

DALAWA ang nakuhang nominasyon ni Manilyn Reynes sa darating na 30th PMPC Star Awards For TV na gaganapin sa Novotel sa Araneta Center, Cubao. Nominado siya for Drama Supporting Actress of the Year para sa defunct series na Destiny Rose na gumanap siya rito bilang nanay ng bidang si Ken Chan.

At nominado rin siya bilang Comedy Actress of the Year para naman sa sitcom na Pepito Manaloto na gumanap siya rito bilang asawa ni Michael V. O ‘di ba, bongga si Mane?

In fairness, mahusay talaga si Mane sa DR. Ang dami niyang eksena roon na lutang na lutang ang pag-arte niya, na nadala kaming members ng PMPC kaya nagging nominado siya for  Drama Supporting Actress of the Year.

At sa Pepito Manaloto, hindi rin siya nagpakabog kay Michael V sa pagpapatawa. Lutang na lutang din dito ang pagiging komedyana niya, kaya pasok nga rin siya bilang isa sa mga nominado for Comedy Actress of the Year.

Versatile actress talaga itong si Mane. Mapa-drama at comedy ay mahusay siya. Kaya naman proud na proud sa kanya ang mister niyang si Aljon Jimenez na tumatayo ring personal manager niya.

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …