Saturday , November 16 2024

EJKs walang basbas ng estado — Palasyo

(Tugon sa babala ng ICC)

WALANG basbas ng estado ang patayang may kaugnayan sa illegal drugs, kasama ang vigilante killings.

Ito ang tugon ng Palasyo sa babala ni International Criminal Court (ICC) Prosecutor Fatou Bensouda na posibleng dinggin o litisin ang matataas na opisyal ng Filipinas dahil sa ulat na may kinalaman sila sa paglobo ng bilang ng extrajudicial killings dulot ng drug war ng administrasyong Duterte.

“Drug-related killings, including vigilante killings, are not State-sanctioned.  Many of those who died were killed during legitimate police operations which are currently undergoing investigation as directed by the President,” ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Aniya, maging si Sen. Dick Gordon, chairman ng Senate Committee on Justice and Human Rights na nag-iimbestiga sa EJKs, ay nagpahayag na walang ebidensiya na magtuturo sa estado bilang nasa likod ng patayan.

Nauna rito, pinadalhan ng liham ng Palasyo ang United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na bumisita sa bansa at siyasatin ang sinasabing EJKs.

“In any case, the President has articulated that he is willing to submit himself for an investigation before any body,” sabi ni Andanar.

Matatandaan, inihayag ni Pangulong Duterte, ang mga drug syndicate ang nagpapapatay ng sariling mga tauhan dahil sa paglabag sa “omerta” o code of silence sa sindikato.

Ibig sabihin ayon sa Pangulo, ang ‘pagkanta’ sa awtoridad ng mga sumukong drug addicts at drug pushers ang naging dahilan para paslangin sila ng sindikato.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *