Monday , December 23 2024

Chinese drug agency rehab centers bibisitahin (Sa China trip)

POSIBLENG bisitahin  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Chinese Drug Agency at rehabilitation centers sa kanyang State Visit sa Beijing, China sa Oktubre 18-21.

Sinabi ni Foreign Affairs Spokesman Asec. Charles Jose, nakapaloob ito sa official program o schedule ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Jose,  haharapin din ni Pangulong Duterte ang Filipino community at magiging keynote speaker sa Trade and Investment Forum na dadaluhan ng Filipino and Chinese investors.

Nitong Hunyo, ipinagdiwang ng China at Filipinas ang 41 taon bilateral relations ng dalawang bansang nagsimula noong Hunyo 9, 1975 nang lagdaan nina dating Pangulong Ferdinand Marcos at Chinese Premier Zhou Enlai.

“As part of his official program, the President may visit some law enforcement and drug rehabilitation centers. An activity is also scheduled for the President to meet the members of the Filipino community in China. President Duterte will deliver the keynote address at the Trade and Investment Forum, which will be attended by Filipino and Chinese investors,” ani Jose.

( ROSE NOVENARIO )

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *