SPEAKING of Toni Gonzaga, #HSHSamSaSoo ang hashtag ngayong Sabado sa sitcom niyang Home Sweetie Home ng ABS-CBN 2.
Sinisipon si Julie (Toni) kaya si Romeo (John Lloyd Cruz) muna ang mag-aalaga kay Baby Summer. Mai-experience ni Romeo ang challenge ng pag-aalaga ng baby na hindi kasama ang kanyang misis. Ano kaya ang mangyayari?
Anong kamalian ang magagawa nina Miles Ocampo (Gigi) at Rence (Clarence Delgado) sa gamit ni Baby Summer kaya nataasan sila ng boses ni Julie?
Mararamdaman ba ng mag-asawa na nag-iba ang takbo ng buhay nila ngayong may baby na sila?
TALBOG – Roldan Castro