PINAG-UUSAPAN ang maiinit na love scene ni Lovi Poe kina Derek Ramsay at Christopher de Leon sa pelikulang The Escort na mapapanood na sa November 2 na idinirehe ni Enzo Williams.
Ano kaya ang reaksiyon ni Lovi sa matitinding lovescene nila?
“First of all, I’m very, very lucky to be kissing Mr. Christopher de Leon and Mr. Derek Ramsay. So, at least, kahit zero ang love life, mayroon pa ring ka-kissing scene.
“But hindi, joke lang ‘yun,. Ang sa akin, I’m just very thankful kasi nga, talagang maalaga sila pareho sa akin.
“’Yung love scene ko with Derek and ‘yung love scene ko with Mr. Boyet are very different, ibang klase ang atake ng bawat isa which is actually a good thing because we can’t do the same scene, ‘di ba? Parang every person that you love or make love with is different. So ‘yun po ang ipinakita namin dito,” sambit pa niya.
Talbog!
TALBOG – Roldan Castro