Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael, handang harapin si Gabby

HINDI pa pala nakakausap ni Michael Pangilinan ang ama ng girlfriend niyang si Garie Concepcion na si Gabby Concepcion. Pero kahit anong oras ay handang harapin ng Harana Prince at Kilabot ng mga Kolehiyala si Gabo.

“Actually, gusto na ni Tito Gabby, ako rin, gusto ko na rin. Hinihintay na lang namin ‘yung right time. Kung kailan siya free,” bulalas ni Michael sa presscon ng second at self –titled album niya under Star Music.

Anyway, halos lahat ng pamilya ni Garie ay na-meet na ni Michael maliban kay Gabby. Kahit nga raw ang mga half-sister ng GF na sina KC Concepcion at Cloie Syquia Skarne ay nakilala na niya, pati na rin ang mother ng girlfriend niyang si Grace Ibuna.

Kumusta ang unang pag-uusap nila ni KC?

“Sobrang wala po akong masabi sa kanya, ‘yung inaasahan mo na sasabihin ng isang ate. . .siyempre, nandiyan ‘yung mga advice na ‘o, you’re not getting any younger’ sa sister niya.”

Bakit sinabi ni KC kay Garie ‘yun? Type ba ni KC na magpakasal na sila?

“No, hindi ganoon. Kumbaga, kung laro lang ‘yan, bitawan mo. Kung totoo, go for it. Kasi uso na ngayon ang playtime-playtime. Wala ka namang mararating doon,” sambit ni Michael.

Ang Michael album ay naglalaman ng eight tracks kabilang na ang carrier single na Hanggang Kailan na simula nang mai-release ay naging consistent chart-topper na sa iba’t ibang radio stations sa bansa.

Paulit-ulit naming pinakikinggan ang album ni Michael sa sasakyan at super havey ang version niyang Ayoko Na Sana ni Ariel Rivera, Tag-Ulan Tag-Araw (Hajji Alejandro), at Everything I Own (Bread).

Bukod sa eight tracks, kasama rin sa album ang limang bonus tracks kabilang na ang first hit single ni Michael na Pare Mahal Mo Raw Ako at ang sagot niya sa kanta na Pare Mahal Naman Kita.

The abum, produced by Rox Santos can now be streamed on Spotify. Available rin ito nationwide at P199. Ang digital tracks naman ay pwedeng i-download via online music stores such as ABS-CBN store, ITunes,Mymusicstore.com.ph, Amazon, OneMusic.ph and Starmusic.ph.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …