Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian, insecure kay Rachelle Ann

AMINADO si Christian Bautista na may insecurity siyang naramdaman sa ex-girlfriend niyang si Rachelle Ann Go dahil may international career ito mula nang ma-cast sa Miss Saigon sa London at pati sa Broadway next year.

“Minsan siyempre (naiinggit). ‘Yan ang dream ng bawat artist, eh, makapunta ka sa London, makapunta ka sa Broadway,” pahayag ni Christian nang makausap namin sa presscon ng kanilang upcoming concert ni Julie Anne San Jose na When Julie Anne Meets Christian.

“Pero tatanggalin mo ‘yung iniisip mo na ‘yun and you just be proud of her. Kasi, for me, she’s the next Lea (Salonga),” sambit pa niya.

Tinanong din siya kung nanghinayang ba siya sa relasyon nila ni Rachelle?

“Ah, tapos na tayo roon. We’re friends. Okay na po tayo roon. Ganoon po talaga. Pero I’m very, very proud of her,” aniya.

Happy daw ngayon ang singer-actor sa lovelife niya pero ayaw niyang magdetalye.

Sa point ng career ngayon ni Christian nakakaramdam din ba siya ng insecurity sa rami ng mga bagong nagsusulputang mang-aawit?

“I think every artist has insecurity, and if you ask me, yeah, I have insecurities as well. Kasi, rati pa ‘yan, nasa ABS-CBN pa ako, mayroon nang mga bagong dumarating every half year, every six months, may bago,” aniya.

So, ano ang ginagawa niya?

“Keep on going, patuloy. They deserve their own breaks, they deserve their own piece of sky. And ikaw din, as long as you’re working, mayroon kang inilalabas, anuman ‘yan – mag-business ka like Marvin Agustin or mag-theater ka, or kumanta ka, mag-release ng album – patuloy na tuloy-tuloy, hangga’t maabot mo ang mga Basil Valdez na hanggang ngayon, nagre-release ng album, hanggang ngayon, kasama ko sa mga provincial shows, and he’s still so happy.

“Si sir JMC (Jose Marie Chan), hanggang ngayon, may bagong Christmas album. So, patuloy lang. Tuloy-tuloy lang,” bulalas pa ng magaling na singer.

Anyway, may chemistry  ang boses at matindi ang dating nina Christian at Julie Anne sa entablado. First time nila magsasama sa isang concert sa Nov. 11, 2016 sa Kia Theatre. Prodyus ito ng Dream Star Events Management at GMA Network.

“I’m so happy na hindi na ko kinukuya ni Julie. Like her, I’m very, very excited kasi when I’m with her, I feel so young. Mas ginaganahan ako mag-perform. If you’ve seen her in any performance, anything, she gives her all. So, napakagaling niya and I’m very excited to work with her, finally, in a full show.”

Ito’y pinamagatang When Julie Anne Meets Christian sa Nov. 11 sa Kia Thearte with Marc Lopez as the Musical Director and Marvin Caldito as the director. Hindi isyu kay Christian kung nauna sa billing si Julie Anne sa kanya. Hindi big deal na nauna sa title si Julie.

Boom!.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …