UMAMIN sina Zanjoe Marudo at Sam Milby na minsan ay nagmakaawa rin sila sa mga girlfriend nila na sila na lang ulit. Hindi na binanggit ni Zanjoe kung sino ‘yun pero nasabi niyang ‘ngayon lang’ kaya obvious na si Bea Alonzo ‘yun.
Pero naka-move on na si Zanjoe dahil aniya, bumalik na ulit ang puso niya. Meaning nasa normal siyang buhay.
Sa guesting nila sa Gandang Gabi Vice ay natanong din kung saan sila mas kampante kung sa ibang lalaki ba o sa babae sila ipagpapalit ng GF nila.
“Wala akong pipiliin kasi siyempre ayokong ipagpalit ako kahit kanino. Baka sabihin ko, ‘Ako na lang. Ako na lang ulit,” pakli ni Z.
Kahit si Sam ay ginawa rin daw niya noon na makipagbalikan kay Anne. Ang split-up daw nila ni Anne ang pinakamatagal na naka-recover siya.
Anyway, sina Sam at Zanjoe ay magkarelasyon sa pelikulang The Third Party na showing sa October 12.
TALBOG – Roldan Castro