Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapatid ni Aljur, tumigil sa pag-aaral para makasali sa Pinoy BoyBand Superstar

BAKIT hindi boses ang inuna ng production ng Pinoy Boyband Superstar at sumunod na lang ang mukha noong pumila ang mga ito sa audition?

Nakakaloka kasi na guwapo nga pero salat naman sa boses kaya napapahiya lang sila ‘pag humarap sa judges gaya nina Aga Muhlach, Sandara Park, Vice Ganda, at Yeng Constantino.

Gaya na lang ang nakababatang kapatid nina Aljur at Vin Abrenica na si Allen, may sabit ang boses kaya naligwak sa judges. Bagamat maganda ang boses ng tatay nila at ni Aljur, hindi namana ‘yun ni Allen. Kailangan pa niyang i-improve ang boses niya. Ang nakakaloka lang, tumigil daw siya sa pag-aaral dahil feeling niya ito na ang calling niya. Bakit kasi hindi muna gawing priority ang pag-aaral lalo’t may pampaaral naman sa kanya ang pamilya niya?

Ganoon din ang nangyari sa anak ni Marco Sison. Nandoon pa naman si Marco na sumuporta sa anak pero bagsak din dahil salat ang boses. Hindi man lang napantayan o nahigitan ang kanta ng kanyang ama. Bakit hindi muna tinuruang mabuti ni Marco ang anak bago isinali sa Pinoy Boyband? Nakasalalay pa naman ang pangalan niya bilang magaling na mang-aawit.

Anyway, super pasok naman sa banga ‘yung contestant  na nagngangalang Jimsen Jison ng Marikina City. Panalo ang bagets. Guwapo na, may talent pa.

‘Yun na!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …